^

PM Sports

PSL opening sa Mayo 16 libre sa fans

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang pasasalamat sa kanilang mga fans ay ma­giging li­bre sa publiko ang pagbu­bukas ng PSL 2014 All-Filipino Confe­rence sa Ma­yo 16.

Ito ang inihayag ng Phi­lippine Superliga  para sa pagsisimula ng nasa­bing torneo sa Cuneta As­trodome sa Pasay City.

Sinabi ni Ramon ‘Tats’ Suzara, ang PSL president at pinuno ng nag-o­or­ganisang Score, na ang mga free tickets ay ipa­mi­­migay simula bukas ng alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Score office sa Unit 220, Vi­to Cruz Tower 1, 720 Vi­to Cruz, Malate Mani­la sa harap ng Philippine Sports Commission buil­ding sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ang mga fans ay ma­­aaring tumawag sa 3533935 at hanapin si An­gel para sa tiket.

“It’s our way of than­king the volleyball fans who trooped to our ve­nues in all of the games we held last year,” sabi ni Su­zara.

Ang two-conference champions na Philippine Ar­my, dadalhin ang pa­­ngalan ng Generika Drugstore, ang magiging paborito sa torneo.

Inaasahan namang hahamon sa Lady Troopers ang Cignal HD Spikers na nakalaban nila para sa korona ng nakaraang In­vitational at Grand Prix.

Ang bagong kopo­nang Air Asia Flying Spi­kers ni team owner Mikee Ro­mero, babanderahan ni two-time UAAP MVP Abbie Maraño, ang sinasabi ring magiging title con­tender.

 

vuukle comment

ABBIE MARA

AIR ASIA FLYING SPI

ALL-FILIPINO CONFE

CRUZ TOWER

CUNETA AS

GRAND PRIX

LADY TROOPERS

MALATE MANI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with