^

PM Sports

Sa special handicap race Classy And Swift nanalo pa rin kahit 58kls. ang handicap

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumakbo taglay ang pinakamabigat na handicap weight ang Classy And Swift ngunit hindi ito nakasira sa hanap na panalo na nangyari noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si Mark Alvarez pa rin ang gumabay sa nasabing kabayo na binigyan ng
58-kilos handicap weight sa Special Handicap Race at pinaglabanan sa
1,500-metro distansya.

Unang panalo ito ­matapos ang magkasunod na panga­lawang puwestong
pagtatapos ng Classy And Swift at ikalawang panalo sa taon matapos
kunin ang Philracom Imported/Local Challenge race noong Enero.
Pangalawang takbo rin ito ng Classy And Swift sa buwan ng Marso at
nakabawi si Alvarez sa pagkatalo sa Tensile Strength sa second leg ng
Imported/Local Challenge na ginawa sa mas mahabang 1,750-metro
distansya.

Ang Sulong Pinoy na hawak ni Jessie Guce at binigyan din ng 58-kilos
handicap weight ang siya­ng pumangalawa bago tumawid ang Brite Olympian
ni Louie Balboa.

Lumabas na pinaka­liyamadong kaba­yo na nagwagi sa gabing ito ang Classy
And Swift matapos maghatid ng P6.50 ­ha­ba­ng ang forecast na 4-6 ay
nagkahalaga ng P16.50.

Kuminang pa si Alvarez sa pistang pag-aari ng Manila Jockey Club Inc.
dahil naipanalo rin nito ang Elusive Ride sa huling karera na race
eight.

Isang 3YO and Above maiden race ang karera na pinaglabanan sa
1,400-metro karera at nakita na gamay ni Alvarez ang Elusive Ride
matapos  makuha ang panalo.

Ang napaborang Jaden Dragon na hawak ni Pat Dilema at nanalo sa Novato
race noong Marso 1, ay pumang-apat lamang sa karera na kinakitaan ng
full-gate.

Nakapanggulat ang Good Copy ni Karvin Malapira para madehado ang
forecast na 6-11 sa ­ipina­ma­hagi na P709.50 dibidendo. Ang win ay namigay ng P30.50.

Isa pang hinete na may dalawang panalo ay si app­rentice rider JL Paano
na nangibabaw sa mga kabayong Imma­culate sa race three at King Mammoth
sa race seven.

Parehong hindi paborito ang dalawa para mapasi­ya ang mga dehadista na
kumabig ng P36.00 sa win ng Immaculate at P23.00 sa King Mammoth.

vuukle comment

ALVAREZ

ANG SULONG PINOY

BRITE OLYMPIAN

CLASSY AND SWIFT

ELUSIVE RIDE

GOOD COPY

KING MAMMOTH

LOCAL CHALLENGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with