^

PM Sports

2013 Philracom Juvenile Championship paglalabanan ng 14 bigating kabayo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng 14 na edad dalawang taong gulang na kabayo ang taguri bi­lang pinakamahusay sa kanilang hanay sa paglarga ng 2013 Philracom Juvenile Championship nga­yong hapon sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Inaasahan na magiging kapanapanabik ang matutunghayang karera dahil sa pag­sali ng mga kabayong naunang kuminang sa juvenile stakes races na naidaos na.

Ang mga magsusukatan sa isang milyang karera (1,600m) ay ang Barcelona (JB Guce) at coupled entry Mabsoy (AB Alcasid Jr.), Castle Cat (CV Garganta), Fairy Star (LD Balboa), Hello Patrick (P Dilema), High Grader (JB Bacaycay), Kid Molave (JB Hernandez), Kukurukuku Pa­loma (V Dilema), Love Na Love (JT Zarate), Matang Tu­big (DG Fernandez), Mr. Bond (FM Raquel Jr.), Skyway (MA Alvarez), The Lady Wins (JB Corde­ro) at Up And Away (DH Bor­be Jr.).

Ang mga mata ay tiyak na ipupukol sa mga kaba­yong naunang nagpasiklab na tulad ng Mr. Bond, Kukurukuku Paloma, Matang Tubig, Up And Away, Skyway, at Kid Molave.

Pero hindi dapat kali­mu­tan din ang ibang mga kalahok na tiyak na inihanda nang husto ng kanilang connections para makuha ang kampeonato sa huling stakes race ng taon at ang kaakibat na magandang premyo na inilaan ng nag­ta­taguyod na Philippine Ra­cing Commission (Philracom).

May P2.5 milyon ang isinahog ng nagpapakarera at P1.5 milyon ang ma­pa­pa­sakamay ng may-ari ng magdodominang kabayo.

Ang magwawagi ay maitatalaga rin bilang pa­borito sa gaganaping ma­lalaking karera sa 3-year old sa 2014, tampok ang premyadong karera na Triple Crown Championship.

“The 2013 Philracom Juvenile Championship is a fitting major stakes race to end the exciting action in the MetroTurf,” ani MetroTurf Senior Vice President at Racing Manager Ru­dy Prado.

Nasa P562,500.00 ang ma­iuuwi ng papangalawa

 

vuukle comment

ALCASID JR.

CASTLE CAT

FAIRY STAR

HELLO PATRICK

KID MOLAVE

MR. BOND

PHILRACOM JUVENILE CHAMPIONSHIP

SHY

UP AND AWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with