^

PM Sports

Altas, Stags pag-aagawan ang no. 3 slot sa final 4

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng ka­ra­nasang makalaro sa play­off ang siyang tini­tingnan ni San Sebastian College coach Topex Robinson na makakatulong sa ko­po­nan papasok sa Final Four ng 89th NCAA men’s basketball  tournament na si­si­mulan sa Nobyembre 7 sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Stags ang Perpetual Help Altas sa natatanging laro nga­yong alas-4 ng hapon at ang mananalo ang siyang ku­kuha  sa No. 3 berth sa se­mifinals.

Nangailangan ng extra game ang dalawang kopo­nan matapos magtabla sa 11-7 baraha.

Bagama’t masasabing ‘no-bearing’ na ito para sa Altas at Stags dahil kaila­ngan pa rin ng dalawang koponan na talunin ng da­lawang sunod ang No. 1 San Beda at No. 2 Letran sa Final Four, itinata­nim naman ni Robinson sa isipan ng mga bataan na simula na ng Playoffs upang mas maging handa ka­pag opisyal nang binuksan ang semifinals.

“This is already playoffs basketball for us. We just wanted to enjoy the op­portunity because no­bo­dy expected us to be here in the first place,” wi­ka ni Robinson.

Ang mga baguhang si­na CJ Perez at Jamil Ortuouste ang ilan sa mga ma­ngunguna sa koponan at mahalaga ang makukuhang karanasan dahil mas mahirap ang haharapin sa Final Four.

Sa kabilang banda ay kai­langan din ng Altas na manalo para tumaas ang kumpiyansa matapos wakasan ang laro sa eli­mi­nation round bitbit ang limang sunod na pagka­talo.

Ang San Beda ang na­nguna sa double round elims sa 15-3 baraha, habang ang Letran ang nasa ika­lawang puwesto sa ka­nilang 14-4 karta.

Ngunit nalalagay pa sa alanganin ang puwesto ng three-time defending champion na Red Lions matapos lumabas ang alegasyon na si Ryusei Koga ay naglaro sa ibang liga ha­bang tumatakbo ang NCAA.

Hinihintay ng NCAA ang mga ebidensya at ang pormal na pagsasampa ng reklamo para matalakay ito.

vuukle comment

ALTAS

ANG SAN BEDA

FINAL FOUR

JAMIL ORTUOUSTE

LETRAN

PERPETUAL HELP ALTAS

RED LIONS

RYUSEI KOGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with