^

PM Sports

Lamang na ang Boosters

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maagang gumana ang opensa ng Petron Blaze Boosters para kunin ang 90-68 panalo sa San Mig Coffee sa Game Three ng PBA Governor’s Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pumukol ng pitong tres ang Boosters sa first half habang sina Elijah Millsap, June Mar Fajar-do at Arwind Santos ay nagtulung-tulong sa 37 puntos para hawakan ng tropa ni coach Gee Abanilla ang 55-30 kalama-ngan sa halftime.

Lumamang muna ang Mixers sa 9-4 pero may dalawang tres si Dennis Miranda habang tig-isa sina Ronald Tubid, Marcio Lassiter at Millsap para trangkuhan ang 24-11 palitan at ibigay sa Petron ang 28-20 bentahe.

Sampung sunod na puntos pa ni Millsap ang nagpalawig sa kalama-ngan sa 30, 77-47, tungo sa pagsulong ng Petron ang 2-1 bentahe sa best-of-seven championship series.

Nakapagdomina  ang Boosters  kahit wala ang pangunahing guard na si Alex Cabagnot dahil sa foot injury.

Samantala, masu-werte kaya kay Arwind Santos ang pa-ngalawang pagkakataon na maikonsidera siya para sa prestihiyosong Most Valuable Player award sa PBA?

Sa Game Four mala-laman ang kasagutan sa tanong na ito dahil sa araw na ito ay kikila-lanin ng liga ang pinakamahuhusay na manlalaro na nakita sa 2012-13 season.

Ang kamador ng Petron Blaze na si Santos ay nakikipagtagisan kina Barangay Ginebra point guard LA Tenorio at Talk ‘N Text guard Jayson Castro para sa MVP plum.

Noong 2010-11 season ay lumabas ang pa-ngalan ni Santos bilang kontender sa MVP nang kilalanin siya bilang Best Player sa Governors’ Cup. Ngunit natalo siya ni Jimmy Alapag ng Talk ‘N’Text para sa MVP award.

Naulit ang bagay na ito ngayon dahil kapapanalo lamang niya bilang Best Player ng Governors’ Cup matapos tulungan ang Petron Blaze na makarating sa finals kalaban ang San Mig Coffee.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ARWIND SANTOS

BARANGAY GINEBRA

BEST PLAYER

CUP FINALS

DENNIS MIRANDA

ELIJAH MILLSAP

GAME THREE

PETRON BLAZE

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with