^

PM Sports

Pumagaspas para sa panalo ang kabayong Angel of Mine sa Special Handicap Race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila may pakpak na tu­makbo ang Angel of Mine mula sa banderang-ta­pos na panalo noong Mi­­yerkules sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona, Ca­vite.

Ipinagabay ang ka­ba­yo kay AP Peñaflor mula sa dating hinete na si Val Dilema at nagbunga ang tambalan nang mapalabas ng jockey ang itinatagong tulin ng Angel Of Mine.

Agad na sumunod ang Virgin Forest na sakay ni JB Guce sa pag-alagwa ng Angel Of Mine pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na makuha ng naghahabol na kabayo ang li­derato dahil kondisyon ang nanalong kabayo.

Siyam ang naglaban sa 3YO Special Handicap Race na suportado ng EG&1 Construction Cor­poration na naglaan ng P20,000.00 na hinati sa winning owner, jockey, trai­­ner at groom.

Ang owner ay kuma­big ng P10,000.00, habang P4,000.00, P3,000.00 at P2,000.00 ang napanalunan ng tatlong sumunod.

Nakinabang din ang mga dehadista na pu­ma­nig sa Angel Of Mine da­hil may P127.50 ang ibi­nigay sa win, habang ang 1-9 forecast ay naghatid ng P179.50.

Napanatili naman ng Cas­sie Dear at Meadow Lad ang magandang tak­bo na natunghayan sa hu­ling karerang nilahukan nang dominahin ang mga si­nalihang laban.

Si LF de Jesus ang gu­mabay sa Cassie Dear sa 3YO Handicap Race at ti­nalo ng tambalan ang Mindful Minstrel para ma­sundan ang panalo noong Setyembre 14.

Sa kabilang banda, ang Meadow Lad ay nangi­ba­baw sa Class Division 1B kontra sa hamon ng Whispering Melody at madugtungan ang panalo noong Setyembre 12.

May P13.50 ang ibini­gay sa win ng Cassie Dear, habang P16.00 ang 5-1 forecast habang P6.00 ang win ng Meadow Lad pe­­ro umabot sa P42.00 ang nadehado pang 6-5 forecast.

vuukle comment

ANGEL OF MINE

CASSIE DEAR

CLASS DIVISION

CONSTRUCTION COR

HANDICAP RACE

MEADOW LAD

MINDFUL MINSTREL

SAN LAZARO LEI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with