^

PM Sports

NLEX inagaw ang liderato

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inagaw ng nagdedepensang NLEX Road Warriors ang liderato sa PBA D-League Foundation Cup nang durugin ang Informatics Icons, 96-64, na nilaro kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Hindi nilubayan ng Road Warriors ang Icons mula sa simula hanggang matapos ang laro para ilista ang ikapitong sunod na panalo matapos matalo sa unang dalawang asignatura.

Isang panalo sa huling dalawang laro ang kaila-ngan ng NLEX para makuha ang awtomatikong semis seat na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan.

Ang panalo ay sinabayan ng pagyukod ng dating nangungunang Blackwater Sports sa Boracay Rum, 89-96, upang bumaba ang Elite sa 7-3 baraha.

Malamig ang tropa ni coach Leo Isaac sa kinamadang 38.1 shooting (32-of-84)  sa field at 58.8 performance (20-of-34) sa free throw line para lasapin ang ikalawang sunod na kabiguan.

Must-win ngayon ang Elite sa huling laro laban sa Hog’s Breath at kaila-ngan pang manalangin na matalo ang Fruitas sa isa sa huling dalawang laro para tumapos sa una o ikalawang puwesto matapos ang single-round elimination.

Ang Waves ay uma-ngat sa 6-4 karta at kasalo ang EA Regens at Caga-yan Valley sa mahalagang ikaapat hanggang ikaanim na puwesto na aabante sa quarterfinals.

 

vuukle comment

ANG WAVES

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGA

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

INFORMATICS ICONS

LEO ISAAC

PASIG CITY

ROAD WARRIORS

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with