Hiyasmin (271)
“MALAY mo, Lira, isang araw ay bigla kayong magkaroon ng communications ni Mam Maryam. Wala nang imposible ngayon dahil sa social media. May FB account ka ba Lira?” tanong ni Siony.
“Meron.”
“Baka isang araw makatanggap ka ng friend request mula kay Mam Maryam.”
“Kung mangyayari iyon, Siony, gusto ko, sila ni Hiyasmin ang magka-meet.”
“Dapat ikaw ang unang ma-meet ni Mam Maryam dahil alam niya ang name mo. Wala naman siyang idea kung ano ang name ng anak ni Rashid di ba?”
Napatango si Lira. Tama si Siony. Bago si Hiyasmin, siya muna ang hahanapin ni Maryam. At sana nga, natatandaan pa siya ni Maryam pagkalipas nang maraming taon.
“O gusto mo Lira, hanapin natin si Mam Maryam sa FB. Kapag nakita natin e di tayo na ang mag-friend request sa kanya.”
“Ayoko Siony. Gusto ko, sa kanya magsimula ang lahat.”
“Sabagay. Sige basta kung kailangan mo ang tulong ko, sabihin mo lang. Expert na ako sa social media, he-he!”
“Sige Siony.”
“Pero malakas talaga ang kutob ko na magkikita kayo ni Mam Maryam. Bihirang pumaltos ang kutob ko.”
“Sana nga magkatotoo ang kutob mo, Siony.”
“Baka naman kapag nagkita na kayo ni Maryam at sabihin na merong mamanahing bilyones si Hiyasmin mula sa amang si Rashid ay makalimutan mo na ako. Kahit yung barya o butal ng bilyones ay payag na ako.”
“Sira ka talaga, Siony. Napakaimposible mo!”
“Wala na ngang imposible ngayon.”
“O sige na nga, sa iyo na ang butal, ha-ha-ha!’
“Ganyan!”
(Itutuloy)
- Latest