^

True Confessions

Suklam (60)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NANG nakaupo na ang magkapatid sa tabi ng kanilang ama, mahigpit silang niyakap nito. Kasabay ay ang pagtulo ng luha ng ama. Ang panganay na anak ay umiiyak din saman­talang ang bunso ay nakatingin lang sa ama at kapatid. Nagta­taka siya at walang maintindihan sa mga nangyayari. Parang nananaginip siya.

“Nagsalita ang ama. Ma­hinahon at marahan. Sinabi nito ang dahilan kung bakit pinalayas ang kanilang ina. Gumawa ng mabigat na kasalanan ang kanilang ina. Nakipagrelasyon ito sa ibang lalaki at sa mismong pamamahay pa ginawa ang pa­ngangalunya. Dinungisan ang pagsasama nila. Hindi na kinilabutan sa ginawa na sa mismong tahanan pa idi­naos ang kakatihan.

“Sinabi pa ng ama sa magkapatid, ‘mula sa araw na ito ay ituring n’yo nang patay ang inyong ina’. Huwag din ninyo siyang papasukin dito sa loob ng bahay. Kahit pa anong sabihin, huwag ninyo siyang papapasukin’.

“Tumango ang magka­patid. Itinanim sa isip ang mga sinabi ng kanilang ama. Patay na ang kanilang ina.

“Mula noon, hindi na nakita ng magkapatid ang nagtaksil nilang ina. Mag-isa silang itinaguyod ng ka­nilang mabait na ama. Hanggang sa makatapos sa kolehiyo ang panganay. Nagretiro na sa pagtatrabaho bilang bus driver ang kanilang tatay. Ang pa­nganay naman ay mabilis na nakakita ng trabaho at siya na ang nagpapaaral sa bunsong kapatid.

“Diyan nagta­tapos ang kuwento ko, Julio,’’ sabi ni Brent.

Tinitigan siya ni Julio.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with