^

True Confessions

Suklam (57)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAKITA ng anak na kinukuwartahan ng lalaki ang kanyang ina. Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito at ang pagbi­bigay ng pera. Nakangisi pa ang lalaki habang binubulsa ang perang binigay ng kanyang ina.

“Narinig pa niya ang sinabi ng lalaki: ‘dagdagan mo itong pera. may bibilhin ako’. Nakita niyang kumuha pa ng pera sa pitaka ang kanyang ina at binigay sa lalaki, Pagkatapos ibi­gay, siniil ng lalaki ng halik ang kanyang ina.

“Madalas ni­yang makita ang pagbibigay ng pera ng kanyang ina. Ginagatasan ito ng lalaki.

“Kapag nag-iisa ay napapa­luha ang anak kapag naaalala ang tagpong binibigyan ng pera ang lalaki. At pagkatapos ay maaalala niya ang kanyang ama.

Nagpapakahirap ito sa pagtatrabaho bilang bus driver at pagkatapos ay isi­nu­sustento lamang ng kanyang ina sa lalaki nito. Halos magpakamatay sa pagtatrabaho ang kanyang ama at ganito pa ang isusukli. Awang-awa siya sa kanyang ama. Kinawawa ng kanyang ina.

“Hanggang maisip ng anak, isumbong na kaya niya sa kanyang tatay ang ginagawa ng ina. Para matapos na ang ginagawa. Kapag sinumbong niya, matitigil na ang mga masasamang ginagawa sa kuwarto at banyo.

Pagdating ng tatay niya, isusumbong na niya rito ang kanyang ina. Bahala na kung ano ang mangyari.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with