^

True Confessions

Suklam (41)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi mapakali si Brent. Nagtataka siya sa sarili niya kung bakit apektadung-apek­tado sa ginagawa nina Vivian at Oscar.

Siya lang yata sa mga kasamahan nila sa opisina ang masyadong apektado at halos ito na lamang ang pinagbubuhusan niya ng pansin sa maghapon. Halos wala na siyang nagawa sa mga report na dapat ay natapos niya. Isa-submit pa naman bukas ang mga iyon dahil nag-iimbentaryo sila.

Maski sinabihan na siya ng kanyang tatay na huwag makialam sa ginagawa ng dalawa, hindi pa rin niya magawa. Sabi pa nga ng tatay niya, huwag na siyang manghimasok kahit pa masunog sa impiyerno ang dala­wang kasamahan niya sa opisina.

Iwasan din daw niya ang mister ni Vivian. Ayaw daw ng kanyang tatay na may mangyari sa kanya dahil sa pakikialam sa mga taong nangangalunya.

Nagtataka siya sa pagiging mahinahon ng kanyang tatay. Talagang mabait ang kanyang tatay. Napabuntunghininga si Brent pagkatapos.

Nang mag-alas singko ng hapon, naghanda na si Brent sa pag-uwi. Iniligpit na niya ang mga gamit sa mesa.

Nang biglang mag-ring ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, si Julio.

“Hello Brent, nandiyan ba si Vivian?’’ tanong nito.

“Ha? A e…”

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with