^

True Confessions

Suklam (36)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Umorder pa ng dalawang beer si Julio at isang order ng calamares. Huling round na iyon.

“Last na ito, Brent.’’

“Baka hindi ko na kaya Julio.’’

“Kaya mo ‘yan. Pagkatapos, uwi na tayo.’’

“Unti-untiin ko ang inom, Julio—baka kasi mag-blow ako.’’

“Oo, sige.’’

Uminom ng beer si Brent, simsim lang.

“Kuwentuhan mo ako ng mga nangyayari sa opis n’yo. Palagay ko marami kang alam.’’

Napalunok si Brent. Parang may “laman” ang sinabi ni Julio.

“Wala namang nangyayari sa opis, Julio. Puro trabaho lang kami.’’

“Trabaho lang nang trabaho?’’

“Oo Julio. Dahil nga sobrang busy ko, hindi ko alam na uwian na pala.’’

“Aba, talagang tapat kang employee ha?’’

“Hindi naman, Julio.’’

Tinitigan siya ni Julio. Parang may kahulugan ang mga titig nito. Saka itinuloy ang pag-inom ng beer.

Matapos uminom ay nagtanong kay Brent. Seryoso.

“May napapansin ka ba kay ­Vivian, Brent?’’

Napamaang si Brent.

Bakit nagsalita ng ganito si Julio. May naaamoy na kaya kay Vivian.

“Anong napapansin, Julio?’’

“’Yung kakaibang kilos niya.”

“Wala naman, Julio.’’

“Sure ka Brent?’’

Napatango si Brent.

Kinabahan siya sa mga itatanong pa ni Julio.

Baka madulas siya at sabihin ang ginagawang pangangalunya nina Vivian at Oscar. Kapag pinilit siya, isisiwalat na niya. Bahala na.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

JULIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with