^

True Confessions

Kaibigan (218)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“OKEY ba ang naisip ko Lara?’’ tanong ni Dex.

“Oo pero nagdududa ako kung ‘yung bukal ay totoong pangmatagalan source ng tubig. Paano kung nakatayo na ang resort e biglang matuyuan ang bukal. Kahiya-hiya tayo.’’

“Kaya nga ipaiinspek­syon ko sa water experts bago tayo magpatayo ng resort. Kapag nag-okey ang mga eksperto e saka natin uumpisahan ang pagpapagawa ng mga kailangan sa resort.’’

“Gusto ko matiyak muna natin Dex.’’

“Oo. Malakas ang kutob ko na buhay na buhay ang bukal sa lupa. At nasi­siguro kong bubukal din ang grasya sa atin.’’

“Sana nga Dex. Kasi nai-stress ako. Mula pa nang matuklasan natin na may bukal sa lupa e hindi na ako mapakali. Naiisip ko, paano ang perang nagastos natin sa pagbili ng lupa. Ang nai­isip ko, wala nang kuwenta ang lupa dahil sa mga bukal.’’

“Huwag kang ma-stress. Relaks ka lang. Basta isipin o imadyinin mo na lang na isang resort ang nakatayo sa lugar.’’

Tumango si Lara.

 

NAGKATOTOO ang mga sinabi ni Dex. Ma­ka­lipas lang ang ilang buwan at naitayo ang KING’S RESORT. Hindi makapaniwala si Lara. Manghang-mangha siya sapagkat matatapos na ang resort.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with