^

True Confessions

Kaibigan (194)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LUMABAS ng room ni Lara si Dex. Bago tuluyang lumabas ay nagpaalam muli siya kay Lara.

“Aalis na ako Lara at sana ay napatawad mo na ako.’’

“Bukas mo malalaman ang lahat kung napata­wad na kita o hindi.’’

“Paalam Lara.’’

Umalis na si Dex.

Nang makarating siya sa kanilang villa hanggang makapasok sa kanyang room ay maraming kata­nungan sa isip si Dex: bakit kaya kailangan pa siyang magtungo sa room ni Lara bukas at alas dose pa ng hatinggabi para lamang malaman ang kaparusahang ibibigay nito sa kanya. Puwede namang sabihin ni Lara kanina ang kaparusahan, Pero wala siyang karapatang tumutol sa gusto ni Lara. Dapat sumunod na lamang siya. Isa pa, may kasalanan siya dahil sa walang pahintulot na pagpasok sa room nito. Kahit na humingi na siya ng sorry kay Lara, gusto pa rin nitong parusahan siya. Hindi naman sinabi ni Lara kung anong parusa ang igagawad sa kanya. Bukas na lamang daw ng hatinggabi sasabihin.

Sunud-sunod na buntunghininga ang pinakawalan ni Dex. Sana ay hindi na lamang siya nagtungo sa room ni Lara. Dapat ay inabangan na lamang niya ito sa pag­labas sa room at hindi na pumasok sa loob. Napahamak tuloy siya. Nadagdagan lamang ang kasalanan niya kay Lara.

Ano naman kayang parusa ang ibibigay ni Lara sa kanya.

KINABUKASAN ng gabi, eksaktong alas dose, nagtungo na siya sa villa ni Lara. Agad siyang nagderetso sa room nito sa ground floor. Gusto na niyang malaman ang parusa sa kanya.

Pero nagtaka siya nang makarating sa ground floor at makitang bukas ang pinto ng room ni Lara at madilim sa loob!

Walang tao!

Nasaan kaya si Lara? (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with