^

True Confessions

Kaibigan (153)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI tinawagan ni Dex si Lara dahil nag-aalala siya na baka may ginagawa pa ito sa ospital at masermunan ng boss. Saka na lang niya ito tatawagan.

Pero nang mag-alas dose ng hatinggabi, nagulat siya nang mag-ring ang phone niya. Sinagot niya.

“Hello?’’

“Hello, Dex. Si Lara ito. Bakit hindi ka na tumawag? Hinihintay kita. Kaya ako na ang tumawag.’’

“Ha? A e kuwan baka may ginagawa ka pa. Baka mapagalitan ka ng Arabo.’’

“Off na ako. Kasi kanina nang tumawag ka, alas dos lang dito. Late ng five hours dito. Ngayon ay alas otso na rito ng gabi at diyan ay alas dose di ba?’’

“Oo.’’

“Akala ko nagtampo ka na Dex kaya ako na ang tumawag.’’

 (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with