^

True Confessions

Kaibigan (150)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Akala ko kaya hindi ka na nagpakita sa akin e dahil may asawa ka na at anak,’’ sabi ni Dex, “Kasi’y kailangan mo rin namang lumigaya at magkaroon ng bagong pamilya.’’

“E di lalo na akong hindi nakapagpakita sa’yo. Kakahiyang pumunta rito para sabihing may asawa na ako. Hindi ko kaya. Si King ang nasa puso ko forever. May forever talaga.’’

“Suwerte talaga ng ka­ibigan ko. Talagang walang kasingtapat ang asawa niya.’’

“Hindi ko magagawang palitan si King. Nakita mo naman kung gaano kala­lim ang pagmamahalan namin. Ako, hindi ko pinansin kung itakwil man ako ng mga magulang ko at mga kapatid ko. Sa isip ko, si King ang pakikisamahan ko at hindi sila. Walang katulad si King. Kaya nga nang mamatay siya, parang nagunaw na ang mundo. Alam mo bang nang mamatay siya, naisip ko na sana ay mamatay na rin ako. Hindi na kumpleto ang buhay ko nang mamatay siya. Pero nakayanan ko rin. At mabuti nga at mayroong kaibigan si King na handang tumulong sa akin—ikaw yun, Dex. Kung wala ka, siguro hindi ko na malaman ang gagawin. Salamat uli Dex, napakabuti mong kaibigan.’’

“Salamat Lara. Nagawa ko naman yun dahil napaka­buti ni King sa akin. Higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanya.’’

“Alam ko yun. Walang inilihim sa akin si King tungkol sa pagiging magkaibigan n’yo. Alam na alam ko ang mga pinagsamahan n’yo.’’

“Masyado rin akong nalungkot nang mamatay si King. Tapos nung umalis ka rito sa bahay, lalo nang nakadama ako ng lungkot.’’

“Kasi naman kailangan kong umalis dito para mag­hanap ng kapalaran. Isa pa, ano naman ang sasabihin nang makakaalam na na­rito ako sa bahay mo e patay na ang asawa ko. Baka pag-usapan tayo.’’

“Naisip ko nga rin yun. At nakabuti ang pag-alis mo dahil sinuwerte ka.’’

“Oo nga. Ang lahat nang mga hirap ko ay napalitan nang maayos na buhay.’’

Natahimik sila. Maya-maya si Lara ang nagtanong.

“E ikaw balak mo pang mag-asawa?’’

“Hindi na rin, Nag-iisa sa puso ko si Tess.’’

Napatangu-tango si Lara sa sinabi ni Dex.

Maya-maya nagpaalam na si Lara. May aayusin pa raw sa POEA dahil paalis na nga ito patungong Riyadh sa susuod na linggo.

“Mag-ingat ka Lara.’’

“Salamat.’’ (Itutuloy)

DEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with