^

True Confessions

Kaibigan (89)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MALINIS pa naman ang sapin ng kanyang kama kaya hindi na niya pinalitan. Isa pa, kung papalitan niya ay baka magising lang si Tess sa pagkakahimbing kung ibababa niya.

Marahan niyang ibinaba sa kama. Kumuha siya ng dalawang bagong punda sa cabinet at pinalitan ang unan na ginagamit niya. Pag­ka­tapos ay marahan niyang iniangat ang ulo ni Tess at saka inilagay ang unan. Ingat na ingat siya at baka ito magising. Matindi ang tama ng apat na beer dahil tulog na tulog. Ngayon lang niya nalaman na nakakaubos pala ng apat na beer ang babae. Akala niya mga isang beer lang.

Pagkatapos malagyan ng unan at maiayos ang po­sisyon ni Tess sa pagka­kahiga, kumuha siya ng bagong kumot sa cabinet. Nang kukumutan na niya ito ay napansing basa ng pawis ang suot na blusa. Dinama niya ang likod, basa nga! Baka mapulmonya!

Palitan kaya niya ng damit? Hindi naman siguro magagalit si Tess kung papalitan niya ng damit. Delikadong natutulog na basa sa pawis ang likod.

Kumuha siya ng lumang t-shirt niya sa kabinet. Medyo maluwang ang kinuha niya at ‘yung cotton para madaling masipsip ang pawis sa likod. Nang makakuha ay agad inalis ang pagkakabutones ng blusa. Nang maalis ang pagkakabutones ng blusa, lumantad ang bra. Pinroblema niya kung aalisin ang bra ni Tess.

Huwag na! Baka kung ano pa ang isipin ni Tess paggising nito na walang bra. Mahalagang ang maalis ay ang blusa nito na basa sa pawis.

Nahubad niya ang blusa. Mabilis na naisuot dito ang t-shirt. Pagkatapos mabihisan, kinumutan niya. Malamig ang aircon sa kuwarto niya kaya kailangang kumutan.

Nang matiyak na nasa ayos na si Tess, kumuha naman siya ng gagamiting unan at kumot sa paghiga sa sopa. Lumabas na siya pagkatapos. Isinara ang pinto.

Inayos niya ang sopa na hihigaan. Sopa bed iyon. Kapag tinatamad siyang magtungo sa bedroom ay dun na lang siya natutulog lalo kapag napagod sa panonood ng Netflix.

Nang tingnan niya ang oras sa wall clock, pasado alas dose na ng hatinggabi. Pinatay niya ang ilaw. Nahiga siya. Maya-maya lang nahimbing na siya.

Hanggang sa maramdaman niyang may nakadagan sa kanya. Nananaginip yata siya!

Lalo siyang nagtaka nang may yumakap sa kanya. Nananaginip nga yata siya!

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with