^

True Confessions

Kaibigan (87)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘E saan kita ihahatid?’’ tanong ni Dex na hindi malaman ang gagawin at napatingin sa taxi drayber na naghihintay kung saan sila pupunta.

“Bahala ka. Basta huwag sa amin, hik.’’

‘‘Aba e saan kita dadalhin?’’

Pero hindi na sumagot si Tess at mukhang tulog na o nagtutulug-tulugan.

“Tess!’’

Bahagya niyang niyugyog. Pero ayaw nang kumilos at tila tulog na nga yata.

“Tess?’’ tanong uli niya at napaulyap uli sa drayber. Wala namang reaksyon ang drayber.

Naisip ni Dex na sa bahay na lang niya dalhin. Mas mabuti roon at kapag nagising ay saka niya ihahatid pauwi. Bakit naman kaya ayaw umuwi s sa kanila ang babaing ito? Maraming drama sa buhay itong si Tess.

Binalingan ni Dex ang drayber at sinabi kung saang address sila pupunta. Umarangkada ang taksi.

Habang tumatakbo ang taxi ay kung anu-ano ang naglalaro sa isip ni Dex. Tama nga kaya na sa bahay niya dalhin si Tess? Kung hindi ay saan? Wala naman siyang maaaring pagdalhan. Kung tatawagan naman niya ang kasamahan nila sa opis at itanong kung saan nakatira si Tess ay baka kung anong alingasngas pa ang kumalat. Baka may magtanong kung bakit sila magkasama.

Sa dakong huli, mabuti ngang sa bahay na lang niya Bahala na.

Nang makarating sa bahay niya, tulog pa rin si Tess pero pinilit niyang gisingin para maalalayan.

Nakaya niyang madala papasok sa bahay. Inihia niya sa sopa.

Ano kayang gagawin niya?

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with