^

True Confessions

Kaibigan (82)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PARA matigil na si Tess sa pagpapakita ng motibo, patulan na kaya niya. Kahit isang beses lang! Tutal at si Tess naman ang parang ‘‘palay na lumalapit sa manok’’. Tukain na kaya niya. Pero minsan lang. Ma­hirap kapag nasubo sa hindi naman gusto. Baka magsisi lang siya pagdating ng araw.

Pero sa ginawa nilang paghahalikan ni Tess sa corridor, na­antig din sa kanya at parang gusto niyang ulitin. Parang tinakaw­ siya ni Tess. Para bang pinatikim siya ng kapiraso at ngayon ay gusto niyang tikman ang natitira pang kapiraso. Ibang klase si Tess! Marunong mambitin!

Ano kaya ang nagustuhan sa kanya ni Tess at atat na atat sa kanya? Bakit sa dinami­-rami ng lalaki sa kompanya nila ay siya ang natipuhan. Hindi naman siya certified na guwapo.

Baka meron siya nang tinatawag na ‘‘animal appeal’’. Kapag may animal appeal, madalas daw hinahabol ng babae.

Totoo kaya ‘yun?

Napangiti si Dex. Parang wala naman siyang animal appeal na tinatawag.

Siguro’y talaga lang naakit sa kanya nang todo si Tess. Siguro nga.

Hanggang nakatulugan niya ang pag-iisip kay Tess.

 

HAPON. Pasado alas singko na natapos­ sa kanyang trabaho sa opisina si Dex. Ayaw kasi niyang may naiiwan na hindi tapos na trabaho. Naging ugali na niya na kaila­ngang tapusin ang tra­baho sa araw na iyon.

Pagkatapos mag-time out, lumabas na ng building si Dex. Pero hindi pa siya nakakadalang hakbang, may tumawag sa kanya.

“Dex! Dex!’’

Si Tess!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with