^

True Confessions

Kaibigan (50)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“T-tanggap ko na n-naman ang nangyari sa akin kaya g-gusto ko iuwi n’yo na a-ako. M-Mag-aaksaya lang tayo ng pera at panahon dito pero wala namang mangyayaring pag­buti sa akin. Umaasa na lamang ako sa awa ng Diyos,’’ sabi ni King sa paputol-putol na pagsa­salita.

Umiyak si Lara.

Nakatingin lang si Dex kay King. Humahanga siya sa kaibigan. Tanggap na nito ang mangyayari sa kanya. Umaasa na lang ng awa mula sa Diyos.

Nagsalita muli si King.

“A-ayaw kong M-makita kayo na nalulungkot. Ayaw kong baunin ang malulungkot na alaala. Gusto ko masaya kayo. Ma­asahan ko ba, Dex, Lara?’’

“Oo King. Maa­asa­han mo. Hindi kami ma­lulungkot.’’

“S-Salamat Dex. Iuwi n’yo na ako bukas ha? Mas gusto ko sa bahay. Mas nasisiyahan ako roon.’’

“Oo King. Bukas iuuwi ka na namin.’’

“Salamat Dex.’’

Kinabukasan. Ini­uwi na nina Dex at Lara si King sa bahay.

Masaya si King.

“Dito ko gustong ma­matay.’’

“Huwag ka na munang magsalita King,’’ sabi ni Lara.

“N-Natutuwa lang ako.’’

Isang umaga, kina­usap ni King si Dex.

“Dex, palagay ko hindi na ako tatagal. Ikaw na ang bahala kay Lara. Huwag mo siyang pababayaan Ipangako mo Dex.’’

“Ipinangangako ko King. (Itutuloy)

vuukle comment

KAIBIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with