^

True Confessions

Kaibigan (30)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LUMAPIT si Dex at naki­usyuso sa mga tao. May dumating na mga police car at kasunod ay ambulansiya.

Nakipagsiksikan siya. Pero hindi niya makita ang pinagkakalumpunan.

Tinanong niya ang isang lalaki.

“Manong anong nangyari diyan?’’

“Holdaper napatay ng mga pulis. Hinoldap ang dyip.’’

‘‘Yun ba ang nakabu­lagta?’’

‘‘Oo. Pero may nasaksak na pasahero ang holdaper bago ito napatay ng mga pulis.’’

“Ano ang nasaksak—lalaki o babae?’’

‘‘Lalaki. Lumaban daw sa holdaper. Ayaw ibigay ang cell phone at pitaka kaya sinaksak. Mabuti na lang at may mga pulis na nagroronda rito kaya napatay ang holdaper.’’

“Ang nasaksak na lalaki ng holdaper Manong, saan dinala?’’

“Sa ospital—diyan lang sa malapit.’’

‘‘Nakita mo ba ang itsura ng lalaki Manong ?’’

“Oo. Medyo guwapo. Ma­tangkad. Nakasuot ng puti na t-shirt.’’

Nag-isip si Dex. Ayaw niyang isipin na si King ang na­saksak ng holdaper pero bakit kinakabahan siya. At saka paborito ni King na mag­suot ng puting shirt. Hindi kaya si King ang nasaksak? Bakit ma­lakas ang kutob niya?

‘‘Manong malubha po ba ang nasaksak?’’

“Hindi ko alam. Pero na­dala agad siya sa ospital.’’

“Kasi nagdududa ako sa nasaksak—baka kaibigan ko ‘yun. Dito kasi siya buma­baba ng dyip galing trabaho.’’

‘‘Mabuti pa, itsek mo sa ospital. Malapit lang dito ang ospital. Don dinala ng mga pulis. Para ka, makatiyak.’’

‘‘Sige Manong, punta ako sa ospital. Malakas ang kutob ko.’’

Nagtungo si Dex sa ospital. Alam niya ang ospital na ‘yun dahil minsan na siyang nakapagpatsek-ap noong nasa kolehiyo pa siya.

Deretso siya sa information para magtanong.

Bakit hindi mawala ang kaba ng dibdib niya. Sunud-sunod. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with