^

True Confessions

Kaibigan (9)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘CONGRATS, King. Mabuti naman at may trabaho ka na. Pasensiya ka na at itong apli­kasyon mo sa kompanya namin ay hindi pa naaprubahan. Hindi ko naman ma-followup at baka sabihin e makulit ako,’’ sabi ni Dex na humihingi ng paumanhin.

“Okey lang ‘yun, Dex. Huwag mong problema­hin ‘yun. Isa pa, gusto ko talaga sa sariling sikap ako magkatrabaho. Gusto kong patunayan na kaya kong tumindig sa sariling paa.’’

Napatangu-tango si Dex bilang pagsang-ayon sa kaibigan. Kahit hindi sa­bihin ni King, alam ni Dex na ang tinutukoy ni King ay ang mga biyenan nito na nagmamaliit sa kanya. Hindi sila mapata­wad ng biyenan kahit ilang beses nang lumalapit sa mga ito.

‘‘Saan ka nga pala nagtatrabaho, King?’’

‘‘Sa isang kompanya sa Binondo, documentation of­ficer. Hindi kalakihan ang suweldo pero okey na. Mahalaga may kikitain na ako buwan-buwan.’’

“Oo. Tama ‘yan. Tiyaga-tiyaga lang. Sa umpisa maliit pero lalaki rin pagdating ng panahon.’’

‘‘Pagbubutihan ko nga ang pagtatrabaho para walang masabi ang boss ko. Sisipagan ko. Ito ang unang pagkakatan na makapasok ako sa establishment. Nasanay ako sa negosyo namin noon na masama naman ang kinahantungan. Hinaluan kasi ng kalokohan kaya bumag­sak. Sa nangyari, mas ma­ganda kung mamasukan na lamang.’’

Napatango si Dex. Hindi mawala sa isip ni King ang bumagsak nilang negosyo dahil sa kagagawan ng ama. May pait sa tinig ni King, halata iyon ni Dex.

 

ISANG araw makalipas ang unang sahod ni King. Gulat na gulat si Dex nang may iniaabot sa kanyang pera.

“Ano ‘yan?’’

“Share namin dito sa bahay.’’

“Huwag na. Itago n’yo na lang ‘yan.’’

‘‘Tanggapin mo na, Dex. Nakakahiya na.’’

‘‘Magagalit ako sa’yo kapag ipinilit mo ‘yan.’’

Kumamot na lang sa ulo si King.

‘‘Salamat, Dex.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with