^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (28)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pasado ala-una na ng hapon nang makauwi si Drew.

“Bakit ngayon ka lang Kuya?’’ tanong ni Tikoy.

Hindi dapat malaman­ ni Tikoy ang dahilan kaya sa siya nagpunta sa bayan.

Nag-isip siya ng dahilan.

“Naghanap kasi ako ng spare parts ng sasak­yan – wheel hub pero wala akong nakitang original. Kung saan-saan ako nakarating sa paghahanap.’’

“Ah.’’

“Sabagay okey pa naman ang sasakyan pero gusto ko e mapalitan na. Mahirap na kung kailan gasgas na saka papalitan.’’

“Mukhang mahirap bu­mili ng spare parts sa bayan Kuya. Marami sa Calapan.’’

‘‘Ganun ba? Di bale. Minsan punta tayong Calapan.’’

“Sige Kuya. Ako ang magda-drive. Marunong na ako eh.’’

“Sige. Pero wala ka pang lisensiya.’’

‘‘’Yun nga lang.’’

Napangiti na lang si Drew. Hindi nakahalata si Tikoy ukol sa totoong dahilan nang pagtungo niya sa bayan.

Hindi pa niya puwedeng sabihin kay Tikoy ang tung­kol sa babae.

‘‘Siyanga pala Kuya, nakakain ka na ba?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Saan?’’

‘‘Sa restaurant sa bayan.’’

Nag-isip si Tikoy.

Madalas na nag-iisip si Drew. Balak na niyang puntahan ang bahay ng babae pero nagdadalawang-isip siya. Baka kung ano ang isipin ng babae sa pagpunta niya. Baka sa halip na ma­ging magkaibigan sila ay iba ang kahantungan.

Lingid kay Drew, napapansin na pala siya ni Tikoy. Nag-aalala na si Tikoy sa ikinikilos ni Drew. Madalas kasing nag-iisip at hindi ma­pakali.

Isang umaga, hindi na nakatiis si Tikoy at tinanong si Drew.

‘‘May problema ka Kuya?’’

“Ha? A e wala! Wala!’’

“Kasi napapansin ko, lagi kang wala sa sarili at nag-iisip na para bang may gumugulo sa isip mo. Baka makatulong ako Kuya.’’

“Wala nga.’’

‘‘Kilala kita, Kuya. Kahit maikling panahon pa lang tao na nagkakasama e kilala ko na ang ugali mo. Hindi ka naman ganyan dati. Hindi ka nag-iisip at hindi rin nag-aatubili. Sabihin mo Kuya at baka matulu­ngan kita. Masosolb natin kung anuman ang problema mo.’’

Napilitan na si Drew.

Ipinagtapat na ang tung­kol sa babaing naliligo sa sapa na nasundan niya at nalaman ang bahay.

Ipinagtapat din ang nangyari sa bayan kung saan ay nasundan niya ang babae na pumasok sa restaurant pero hindi na lumabas. Dahil hindi na lumabas, napilitan na siyang kumain sa restaurant. At ang inor­der pa nga niya ensaladang pako.

‘‘Pako?’’

‘‘Oo. Pako.’’

‘‘Palagay ko Kuya, ang babae ang supplier ng pako sa restaurant.’’

‘‘’Yan din ang hinala ko.’’

“Ako ang mag-iimbestiga Kuya. Pupunta ako bukas sa bayan. Magtatanung-tanong ako sa restaurant.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with