_ngayon
^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (11)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, maaga pa ay nagtatanim na sina Drew at Tikoy. Pa­wang mga halamang namumunga ang itinanim nila – suha, santol, bayabas, guyabano, langka, ka­lamansi at dalandan.

Tagaktak ang pawis ng dalawa nang matapos dakong alas diyes ng uma­ga. Natapos nilang itanim ang may isang libong puno ng mga halamang namumunga. Halos matakpan na ang mga puwang sa lupa ni Drew.

“Ang sarap ng pakiramdam pagkatapos magtanim, ano Tikoy?’’

‘‘Oo Kuya. Para bang nakagawa nang napakalaking bagay sa buhay.’’

“Kung alam ko lang na ganito ang pakiramdam pagkatapos magtanim e di sana noon ko pa ito ginawa. Siguro ay nag-aani na ako ng bu­nga ng mga halamang ito.’’

“Pasalamatan mo ang pandemya, Kuya. Kasi kung hindi nagkaroon ng CO­VID e di hindi magsasara ang negosyo mo. Kung hindi nalugi e hindi mo sana ma­iisip na manirahan dito sa Mindoro.’’

“Oo nga Tikoy. May ma­samang dulot ang pan­demya pero sa isang banda, may maganda ring hatid gaya ng pagpunta ko rito sa Mindoro para pagyayamin ang lupa ko.’’

“Hindi lahat ay kamalasan ang hatid ng COVID.’’

“Oo pero sana matapos na ang pandemyang ito, Tikoy. Magtatatlong taon na ang pandemyang ito at tila ayaw pang paawat. Nakakasawa na ang magsuot ng face mask.’’

“Patuloy pa raw ang pag­dami ng kaso ano, Kuya?’’

“Oo. At ang masama, mayroon pang bagong variant.’’

“Ano ba ‘yung variant Kuya?’’

“Lahat ng virus ay nagbabago sa pamamagitan ng mutation. Kapag ang virus ay may isa o mahigit pa sa isang mutation, iyon ang tinatawag na variant.’’

“Ah ganun pala ‘yun. E paano naman pinapa­ngalanan ang variant?’’

“Ang mga variant ng COVID ay pinangalanan base sa Greek alphabet. May 24 na letter ang Greek alphabet.’’

“A kaya pala ganun ang name ng variant – Delta at Omicron.’’

“Yes. Ngayon ay alam mo na ha Tikoy?’’ 

“Oo, nadagdagan ang nalalaman ko. Salamat Kuya. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng pinsang matalino.’’

Napahalakhak si Drew.

“Bukas, ibang halaman naman ang itatanim natin, Tikoy. Gusto ko mga namumulaklak gaya ng firetree, banaba at ilang-ilang. Gusto ko maging mala-paraiso ang farm ko.’’

“Areglado, Kuya. Pupunuin natin ng tanim ang lupa mo.’’ (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with