_ngayon
^

True Confessions

Monay (73)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang pakiram­dam ni Joem maka­raang bigyan ng pera si Bong. Kung tu­tuusin kulang pa ang limang libo sa tulog na binigay sa kanya noon ni Tito Nilo, tatay ni Bong. Nung umalis siya rito sa bahay dahil sa pananakit ng kanyang amain, sa bahay ni Tito Nilo siya tumuloy. Dun siya pinapunta ng kanyang mama. Maayos siyang ti­nanggap ni Tito Nilo at asa­wang si Tita Ana. Si Tito Nilo rin ang nag-asikaso nang mamatay ang kanyang mama. Kung hindi kay Tito Nilo, hindi niya alam kung ano ang gagawin makaraang mamatay ang kanyang mama.

Kaya sa hiling ni Bong na maipasok niya ng trabaho sa kanilang kompanya, gagawa siya ng paraan. Sana, maipasok niya si Bong para makatulong sa pamilya lalo’t maysakit pala ang nanay ni Bong. Hindi naman nakakahiyang irekomenda si Bong dahil alam niyang matino ito at may natapos. Kapag natulu­ngan niya si Bong, matutuwa marahil si Tito Nilo saan man ito naroon.

Nang magbalik siya sa kusina, nakita niya ang ilulutong fishball na hindi na na­tuloy. Pati na ang mga sangkap sa paggawa ng sauce. Ipatitikim pa naman sana niya kay Trishia ang bagong tuklas niyang sauce.

Napaupo si Joem sa bangko at inaalala ang ginawa nila ni Trishia kanina. Ang totoo ay nabigla siya sa ginawa ni Trishia. Hindi niya inaasahan na magagawa iyon ni Trishia.

Bigla siyang ni-lips to lips nito. At dahil naantig siya sa masarap na paghalik ni Trishia, gumanti siya. Ang sarap halikan ni Trishia. Malambot na malambot ang mga labi. Parang marshmallow. Ang bango pa ng hininga. Parang hininga ng kasisilang na sanggol. Sa totoo lang, ngayon lang siya nakaranas makahalik. Ang sarap pala!

Sayang at nabitin.

Kung hindi kaya duma­ting si Bong, saan kaya sila nakarating ni Trishia.

Bakit kaya nagawa iyon ni Trishia?

Umiibig kaya sa kanya si Trishia?

Kanina, halatang inis si Trishia. Nabitin sa ginagawa nila. Umalis tuloy na nakasimangot.

Mamaya, tatawagan niya si Trishia. Kukumustahin niya. Hihingi rin siya ng sorry dito. (Itutuloy)

BONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with