_ngayon
^

True Confessions

Monay (68)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Hindi mo pa rin malimutan si Monay, ano Joem? Ilang taon na ang nakalilipas mula nung nasa high school tayo pero si Monay pa rin ang nasa dulo ng dila mo,’’ sabi ni Trishia.

“Siyempre naman Trish. Sabi ko nga sa’yo malaki ang utang na loob ko kay Monay. Alam mo naman yun di ba?’’

‘‘Oo alam ko na araw-araw e dinadalhan ka niya ng monay pero nakalipas na ‘yun dapat mag-move on ka na. Isa pa, married na nga si Monay. Hindi ka na dapat nagpapaalipin sa nakaraan. Ang future ang dapat mong harapin.’’

‘‘Gusto ko lang naman na makabalita ukol kay Monay dahil nga malaki ang utang na loob ko sa kanya.’’

‘‘Oo nga pero naka­kakulili na ng taynga na kapag nag-uusap tayo ay si Monay ang tinatanong mo. Wala ka nang alam sabihin kundi si Monay.’’

Hindi na sumagot si Joem. Halata talaga niya na inis si Trishia kapag nababanggit niya si Monay. Hindi niya alam kung bakit gayung magkaibigan ang dalawa.. Naalala niya na laging magkasama ang dalawa noong nasa high school sila. Magkasama ang mga ito sa canteen, lib­rary at maski sa pag-uwi ay magkasabay pa rin. Hindi niya alam kung bakit nagbago ang pagsasamahan nila. O si Trishia lang ang nagbago?

“O Joem hindi ka na nagsalita riyan,’’ sabi ni Trishia.

‘‘Ha? A e kuwan, salamat nga pala uli sa article mo tungkol sa akin.’’

‘‘Okey lang ‘yun, Joem. Siyanga pala, miss ko na uli ang fishball mo. Punta ako sa inyo isang araw ha.’’

‘‘Ha? A, e oo, sige. Punta ka. Ipagluluto kita ng fishball.’’

‘‘Parang napipilitan ka lang yata, Joem.’’

‘‘Hindi. Sige, punta ka. Pero i-text mo muna o tawagan ako. Baka bigla akong umalis.’’

“Sige. Miss ko na ang fishball mo Joem. Saka ‘yung sawsawan...’’

‘‘Hindi mo malimutan, he-he-he!’’

‘‘Ano pa?’’

‘‘Sasarapan ko pa ang timpla ng sauce, Trish.’’

‘‘Sige. Huwag mong lalagyan ng gayuma ha?’’

Nagtawa si Joem.

‘‘Ba’t ko naman lalagyan ng gayuma? Hindi ko nga alam ‘yun.’’

“Joke lang. Basta pupunta ako sa inyo ha?’’

“Oo.’’

Nagpaalam na si Trishia. (Itutuloy)

MONAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with