^

True Confessions

Monay (33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagbunga ang pag-a­aral ni Joem dahil nang mag-exam sila, halos ma-perfect niya ang exam. Nakatulong nang malaki ang mga notes na ibinigay sa kanya ni Monay. Kapag sa sunod pang mga exams ay matataas ang makukuha niya, ma­kakasabay na siya sa mga kaklase.

Tuwang-tuwa si Monay­ nang ipakita ni Joem na­kuha niya sa exam. Naglalakad sila palabas ng school.

“Wow! Congrats Joem, ang taas ng nakuha mo!’’

“Magaling ka kasing magturo. Salamat sa mga ibinigay mong notes. Kung hindi dahil dun baka kulelat ako.’’

“Makakabawi ka na Joem. Kailangan siguro sa mga susunod pang exams natin­ ay ma-perfect mo para ma­kahabol ka na.’’

“’Yan ang gagawin ko, Monay.’’

“Siguro kung hindi ka nagpi-fishball ay baka makapag-aral ka pa nang todo ano?’’

“Oo. Kung hindi naman ako magtitinda ako ng fishball ay wala akong gagastusin. Magugutom ako.’’

“Hayaan mo at bibigyan uli kita ng mga notes ko para marami kang masagutan. Kayang-kaya mo ‘yan. Ikaw pa?’’

“Salamat, Monay.’’

“Anong oras ka ba umu­uwi sa gabi? Anong oras ka natatapos mag-fishball?’’

“Alas diyes ng gabi.’’

“Gabi na pala.’’

“Marami pang tao sa ganung oras.’’

‘‘Hindi ka naman nakakaranas na makasalubong ng mga tambay na nangungursanada?’’

‘‘Hindi naman.’’

‘‘Siyanga pala may ibibigay ako sa’yo. Lagi ko itong nalilimutan na ibigay sa’yo.’’

“Ano ‘yan, monay?’’

Napatawa si Monay.

“Hindi!’’

Tumigil sila sa paglalakad at may dinukot sa kanyang backpack si Monay. Rosaryo.

“Eto. Magrosaryo ka Joem para lagi kang ligtas at maging magaan ang mga gawain mo sa araw-araw.’’

“Salamat Monay,” sabi ni Joem makaraang abutin ang rosaryo at isinilid sa bulsa.

“Ingatan mo yan at baka mawala. Baka malabhan mo.’’

“Hindi.’’

Nang makalabas sila sa gate ng school ay nagpaalam na si Monay dahil may dyip na paparating.

“Sige Joem, bukas uli.’’

“Bye Monay.’’

Kinabukasan ng hapon, inaayos ni Joem ang kanyang fishball cart nang dumating ang kanyang Tito Nilo. Iyon ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Tito Nilo mula nang ilibing ang kanyang mama.

“Nagkasakit ako Joem kaya hindi kita nadalaw. Pasensiya ka na,’’ sabi ni Tito Nilo na halatang may garalgal sa boses.

‘‘Okey lang po Tito.’’

“Fishball cart ‘yan ah. Nagtitinda ka?’’

“Opo, Tito.’’

“Kumusta naman?’’

“Okey naman po. Naka­karaos din po.’’

Tumingin sa kanya nang matagal si Tito Nilo. Halatang humahanga ito sa tibay ng determinasyon.

“Anong oras ka nagtitinda ng fishball?’’ tanong nito pagkaraan.

“Alas tres po Tito. Sa umaga po ay nag-aaral ako.’’

‘‘Mabuti at pinagpatuloy mo. Di ba malapit na ang graduation ninyo?’’

“Opo. Isang buwan na lang po at graduation na.”

Tinapik-tapik ni Tito Nilo sa balikat si Joem.

(Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with