^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (90)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘Pupunta ba rito si Ino?’’ tanong ni Dado kay Gab.

‘‘Oo. Kati-text lang sa akin. Hindi raw agad siya makaalis dahil mara­ming problema sa bahay ng biyenan niya. Palagay ko, siya ang problema ng biyenan niya.’’

Napangiti na lang si Dado. Maaring tama si Gab sapagkat nang una niyang makita si Ino, sa tingin niya ay iresponsable ito at maangas.

“Nagpapasalamat ako at hindi gumaya sa kanya si Briel. At least may nakikita akong liwanag sa kabila ng dilim.’’

Napatango na lang si Piolo bilang pagsang-ayon kay Gab.

Makalipas ang isang oras, dumating ang maa­ngas na si Ino. Ito nga ang nakausap niya sa silong noon. Ito rin ang madalas niyang makita kapag sumi­silip sa butas sa sahig.

“Eto na ang pasaway kong kapatid Dads,” sabi ni Gab.

Lumapit sa kanila si Ino.

Ipinakilala ni Gab si Dado kay Ino.

‘‘Ino si Dado, kaibigan ko. Nakatira siya sa second floor.’’

Napangisi si Ino na parang nakakaloko.

‘‘Di ba ikaw ‘yung kumatok noon at hinahanap si Gab? Mukhang manliligaw ka yata nun.’’

Hindi makapagsalita si Dado. Si Gab ay nabigla sa inasal ni Ino.

(Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with