^

Ang Babae sa Silong (57)

Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

Nagmamadali si Gab sa pagpapalit ng damit. Parang init na init ito sa suot na maong jacket. Nang mahubad ang jacket, isinunod ang pang-ilalim na shirt.

Nakita na naman ni Dado ang perpektong ka­gandahan ni Gab. Mara­ming beses na niyang nakita ang kagandahang iyon pero hindi siya nagsasawa.

Sorry Gab! Hindi ko kayang labanan ang sarili!

Nang mahubad na ang pang-itaas, ang jeans naman ang hinubad at isinunod ang kahuli-hulihang itim na saplot.

Gaya ng kinagawian, kumuha ng towel si Gab at ibinalot sa katawan. Saka mabilis na umalis. Tiyak na sa banyo pupunta para mag-shower. Kabisado na ni Dado ang routine ni Gab.

Mga 15 o 20 minuto ito sa banyo.

Nanatili si Dado sa pagkakasilip sa butas.

Nasimulan na rin lang niya ang pinanonood, ta­pusin na niya. Nakagawa na rin lang siya ng kasalanan, panindigan na niya.

Habang hinihintay ang pagbabalik ni Gab mula sa banyo, naalala niya ang lala­king nasilip sa kuwarto ni Gab ilang araw na ang nakalilipas. Nasaan na kaya ang lalaki? Umalis na? Bakit hindi hinintay si Gab?

Biglang naputol ang pagmumuni-muni ni Dado nang bumalik na si Gab sa kuwarto. Bagong paligo na.

Tulad ng dati, inalis ang tuwalya, nagpahid ng body lotion. Nang matapos, nagbihis na. Panty at shirt lang na maluwag. Nagsuklay ng buhok. Pinatuyo sa pagsusuklay ang buhok.

Pagkaraan ay pinatay na ang ilaw. Tapos ang pinanonood ni Dado.

Kinabukasan, Sabado, nasa sopa si Dado at nanonood ng pelikula sa Netflix nang may kumatok. Baka si Manang Oya. Mag-aalok ng daing.

Tinungo niya ang pinto at binuksan.

Si Gab. May dala na nasa plastic bag.

(Itutuloy)

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with