^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (54)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi maipaliwanag ni Dado kung bakit naisi­pan niyang kumatok sa pinto ng inu­upahan ni Gab. Basta bigla niyang naisip at nalaman niyang kumakatok na siya.

Tatlong katok ang gi­nawa niya at makaraan ang ilang saglit narinig niyang may pu­mihit sa seradura at saka bumukas.

Lalaki ang nakita niyang nagbukas. Nang ibukas nang malaki ang pinto, nakilala niya ang lalaki – ang lalaking madalas niyang makita. Ito rin ‘yung lalaking minsan ay nakita niyang nasa kuwarto ni Gab nun.

“Good morning. Nariyan ba si Gab?’’ tanong ni Dado sa lalaki.

‘‘Wala po siya. Ano po ang kailangan mo sa kanya?’’

‘‘Ah wala naman. Meron lang akong sasabihin. Ako si Dado ‘yung nangungupahan sa taas.’’

Napakunot ang noo ng lalaki. Parang hindi kumbinsido sa sinabi ni Dado.

“Sige salamat,’’ sabi ni Dado.

Walang imik na sinara ng lalaki ang pinto.

Umalis na si Dado. Muk­­hang inis ang lalaki. Baka naabala niya sa ginagawa. Baka natutulog pa ito nang kumatok siya. Baka naman nasa comfort room at kasalukuyang may gina­gawa at naistorbo niya. Tapos itatanong lang pala kung naroon si Gab.

Hindi niya malilimutan ang lalaki dahil ilang beses na rin niya itong nakita.

Wala talaga kaya si Gab o nagkakaila lang ang lalaki. Parang hindi nagsasabi ng totoo ang lalaki.

Baka sinabi lang nito na wala si Gab pero ang totoo ay naroon? Baka naghihinala ang lalaki sa kanya kaya nakakunot ang noo. Baka inaakala na meron siyang gusto kay Gab?

Mukhang diskumpiyado ang pagkakatingin sa kanya.

Binilisan ni Dado ang paglalakad patungo sa sakayan ng dyipni sa España Blvd. Naatrasado siya dahil sa ginawa niyang pagkatok sa pinto ni Gab.

Kung bakit naisipan pa niyang kumatok. Nagkaroon tuloy siya nang masamang impresyon sa lalaking nagbukas ng pinto. Sana ay hindi niya ginawa iyon. Hindi niya malaman kung bakit bigla niyang naisip na kumatok. Kung minsan, may mga desisyon siyang palpak!

Pagdating sa España, pinara agad niya ang dyip­ning may Quiapo-Pier na signboard. Sumakay siya.

Wala nga kaya si Gab sa inuupahan nito o nagtatago lang?

Mamayang hapon pag-uwi niya, sisilipin uli niya sa butas para makatiyak kung wala nga si Gab. (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

SILONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with