^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (22)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi nakasakay ni Dado sa dypni si Gab ang babae nangungupahan sa silong. Naisip niya, siguro’y may pinuntahan lang kahapon sa UST ang babaing ‘yun ka­hapon kaya niya nakasabay. Ano naman kaya ang pinuntahan sa UST? Hindi naman tipong estud­yante dahil pa­lagay niya ay malapit nang magtrienta anyos. Baka naman nag-aaral sa graduate school? O baka naman sisimba? Mayro­ong simbahan sa UST. Baka naman pupunta sa UST hospital?

Napangiti si Dado pagkatapos. Kung saan-saan na naglakbay ang imahinasyon niya dahil sa babaing suplada.

Hindi kasi niya malimu­tan ang pag-isnab sa kanya kahapon na pagkatapos niyang ilibre nang pamasahe ay hindi man lang nagpa­salamat sa kanya. Mayroon palang taong ganun na nag­pakita ka ng kabaitan ay ka­supladahan ang iginanti. Nanghinayang siya sa pamasahe. Buong puso pa na­man ang paglilibre niya sa babae at ganun lamang ang igaganti.

Nararamdaman ni Dado na napupuno na siya sa babae. Marami nang naiipong inis sa kanya. Dumarami nang du­ma­dami.

Gusto niyang gumanti sa babae.

Pero paano?

Kinabukasan ng umaga, papasok siya sa opisina. Pababa siya sa hagdan nang makita niya ang isang may-edad ng lalaki na patungo sa kuwarto ng babae.

Saglit na tiningnan ni Dado ang lalaki. Ngayon lang niya nakita ang lalaki.

Ilang lalaki na ang nakikita niyang nagtutungo sa kuwarto ng babae. Nung minsan, dalawang kabataan pang lalaki ang nakita niya. Tapos ngayon, medyo may edad naman.

Nagtataka na talaga siya.

Kaanu-ano ng babae ang mga lalaking nagtutungo sa kuwarto niya.

Kinagabihan, matapos kumain ng hapunan, nanood ng TV si Dado. Walang siyang magustuhang pelikula sa Netflix. Pinatay niya ang TV at nagbasa na lang. Pero inantok siya.

Matutulog na sana siya nang biglang maalala na naman ang babae sa silong.

Nabuhay ang inis niya rito.

Hanggang mapansin niya ang tinakpang butas sa sahig. Alisin kaya niya ang ipinasak sa butas at silipin ang babae? (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

SILONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with