^

Ang Babae sa Silong (17)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

BUMILIS ang tibok ng puso ni Dado nang malaman na ang butas sa sahig ay tagos sa kisame ng inuupahang ku­warto ng babae sa silong. Paano nangyari iyon na tumagos ang butas hang­gang sa kisame?

Naisip ni Dado na hindi siya ang unang tumira sa kuwartong ito. Nagsimulang lumikot ang kanyang imahinasyon na baka ang unang tumira sa kuwartong ito ang may kagagawan kung bakit tagos ang butas hanggang kisame sa silong.

Baka ang nangupahan dati dito ay binobosohan ang nakatira sa silong. Peeping Tom!

Malakas pa rin ang kaba ni Dado.

Hindi niya malaman ang gagawin.

Ipaalam na kaya niya kay Manang Oya para ma­tapalan ang butas.

Sandali siyang nag-isip. Tama ba ang gagawin niya?

Huminga siya nang ma­lalim.

Maya-maya, siniguro niya kung tagos nga ba ang butas sa kisame sa silong.

Tumuwad siya para masilip kung totoo ang kanyang sapantaha. Kaila­ngang makatiyak siya.

Inilapat niyang mabuti ang kanang matas sa butas. Sinilip niya.

Inaninaw niyang mabuti ang nasa silong.

Nakita niya ang kama, tokador, ca­binet, lampshade at iba pa.

Kuwarto nga ng babae ang nakikita niya.

Inalis ni Dado ang mata sa pagkakasilip at tumayo.

Nag-isip siya kung sasabihin iyon kay Manang Oya.

Palakad-lakad siya sa kuwarto. Pa­balik-balik.

Huwag muna kaya niyang sabihin?

Subaybayan kaya niya ang babae sa silong sa pamamagitan ng “mahi­wagang butas’’? (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with