Alupihan (191)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Hinawakan ni Cris ang bahaging maga sa ka­nang paa ni Hani. Napasigaw si Hani.

“Araaay! Ang sakit Kuya!’’

“Sorry! Sorry!’’

‘‘Ang sakit talaga Kuya! Parang hindi ko na kayang ilakad.’’

“Teka at kukuha ako ng gamot para mawala ang pamamaga. Meron akong gamot para sa pamamaga.’’

‘‘Tablet Kuya?’’

‘‘Capsule --- mefinamic.’’

Marahang inalis ni Cris ang pagkakapatong ng kanang paa sa kanyang tuhod.

‘‘Sandali at kukuha ako ng gamot. Kailangang ma­kainom ka ng gamot.’’

Mabilis na tinungo ni Cris ang kinalalagyan ng me­dicine cabinet at kinuha ang mga gamot para sa pa­ma­maga.

Kumuha na rin siya ng tubig para makainom na agad si Hani.

“Inumin mo na ito Hani para mawala na ang pama­maga.’’

Iniabot ni Cris ang gamot.

Ininom ni Hani.

Pagkatapos makainom ay muling ipinatong ni Cris sa kanyang hita ang kanang paa ni Hani. Dahan-dahan siya at baka masaktan si Hani.

“Gusto mo dampian ko ng maligamgam na tubig?’’

“Mamaya-maya na Kuya. Gusto ko muna makapagpa­hinga.’’

“E di dito ka na lang muna sa salas. Baka mahirapan ka sa pag-akyat.’’

‘‘Baka nga hindi ako ma­kahakbang Kuya.’’

“Huwag ka na munang kumilos. Hayaan mo munang nakapatong sa hita ko. Sige maidlip ka.’’

“Nakakahiya sa iyo Kuya.’’

“Okey lang Hani.’’

‘‘Baka mayroon kang ga­gawin Kuya.’’

“Wala.’’

“Salamat Kuya.’’

‘‘Bakit ‘di mo pa alisin ang mask mo. Para makahinga ka nang maayos.’’

“Mamaya na Kuya at kagagaling ko lang sa labas,’’

“Kasi baka ka mahirapang huminga.’’

“Hindi naman Kuya.’’

“Sige maidlip ka na. Mag­relaks ka.’’

Pumikit si Hani.

Pinagmasdan naman ni Cris ang makinis na paa ni Hani. Mukhang mabango ang paa ni Hani.

Nakita niya na bahag­yang namumula ang baha­ging namamaga. Malaking tao siguro ang nakatapak kay Hani. Dahil sa bigat ay namaga agad ang paa ni Hani.

Pinagmasdan ni Cris habang naiidlip si Hani. Maganda naman pala si Hani kapag tinititigan.

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with