Alupihan (158)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Si Cris ang dumating.

‘‘Anong nangyayari rito?’’ tanong niya. Nakita niya na punit ang pang-itaas na damit ni Hani at tinatakpan ng mga braso ang dibdib.

Biglang umiyak si Hani at lumapit kay Cris.

“Kuya!”

“Anong nangyari at bakit punit ang damit mo?’’

Hindi nagsalita si Hani at nanatiling umiiyak. Hanggang sa yumakap kay Cris at saka lumakas ang pag-iyak.

Napansin naman ni Cris na walang kaimik-imik na nakaupo sa kama si Gretchen.

‘‘Anong nangyari Gretchen?’’ tanong ni Cris.

Hindi sumagot si Gretchen.

“Dinig na dinig ko ang malakas na sigaw mula rito kaya ako napasugod. Nag-aaway kayo? Bakit punit ang damit ni Hani?’’

Saka nagsalita si Gretchen. Mababa ang boses nito.

“Mayroon lang kaming hindi pinagkasunduan, Kuya.’’

“Puwede kong malaman kung ano yun?’’

Hindi sumagot si Gret­chen.

“Baka makakatulong ako sa inyo. Ano ba yun at nang masolusyunan na para matapos na ang gulo.’’

Pero nanatiling tahimik si Gretchen.

“Sige kung ayaw mong magsalita, hindi kita pipilitin ngayon. Pero kung gusto mo akong kausapin, nasa opisina lang ako. Puwede tayong mag-usap,” sabi ni Cris at binalingan naman si Hani, “Ikaw naman Hani, magtungo ka na sa room mo. Sana magkaayos na kayong dalawa.’’

Kumawala si Hani sa pagkakayakap kay Cris at saka lumabas ng room. Naiwan si Cris na nakatingin kay Gretchen na noon ay nakatingin sa kawalan. Malalim na nag-iisip.

“Baka mayroon ka nang sasabihin, Gretchen? Sige na, huwag ka nang mahiya.’’

Bumaling si Gretchen kay Cris.

“Wala talaga Kuya.’’

“Sige hindi kita pipilitin.’’

Umalis na si Cris. Marahang isinara ang pinto.

Hindi siya naniniwala kay Gretchen na walang nangyari. Bakit punit ang damit ni Hani.

Kailangang makausap niya nang masinsinan si Hani. Tiyak na may ginawa si Gretchen kaya napunit ang damit nito. (Itutuloy)

CRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with