Alupihan (153)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

HINDI na pinag-intere­sang basahin pa ni Cris ang sulat na nasa ilalim ng unan. Kahit pa pinaghihinalaan nila si Diana, inosente pa rin ito kaya hindi siya dapat makialam sa sulat nang may sulat. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay hindi naman talaga inabandona ni Diana ang kuwarto at maaaring babalik nga ito. Emergency nga lang siguro kaya ito biglang umuwi.

Isinara ni Cris ang room ni Diana. Hindi siya nag-iwan ng ebidensiya na pumasok siya roon. Nakakahiya kung malalaman nito na pinasok ang room niya nang walang paalam. Nakakapasok lang siya sa room ng boarders kapag lilinisin at humihi­ngi siya nang pahintulot kung lilinisin ito.

Ang iniisip ngayon ni Cris ay kung paano mahuhuli ang sinasabing magnanakaw na kakut­saba umano ni Diana. Sabi ni Hani kahapon, ma­aaring pinag-aaralan pa ng magnanakaw kung paano makakapasok sa bahay. Inaalam kung saan dadaan at maaaring nahihirapan sa pagpaplano sapagkat ang mga dadaanang bintana ay may iron grills.

Kinagabihan, nang dumating si Hani galing sa trabaho ay inabangan ni Cris. Sinabi rito na umuwi ng probinsiya si Diana. Na­gulat si Diana.

“Lumalalim ang misteryo ano Kuya? Bakit kaya biglang umuwi?’’ tanong nito.

“Emergency daw.’’

Nag-isip si Hani.

“Totoo kaya ‘yun, Kuya?’’

“Hindi ko nga alam, Hani.’’

Napabuntunghininga si Hani.

Saka nagsalita.

“Basta maghanda tayo Kuya. Palagay ko may mangyayari.’’

“Sige Hani.’’

 

KINABUKASAN, ma­liligo si Hani nang tawa­gin siya ni Gretchen. Muk­hang may sasabihing ma­halaga. Kinabahan si Hani. Ayaw na niyang makipag-usap kay Gretchen.

“Sandali lang Hani. Mag-usap tayo.’’

“Tungkol saan, Gretch?’’

“Halika muna sa room ko.’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with