Alupihan (125)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

‘‘Nagawa mong makipaghalikan kay Gretchen, Hani?’’ tanong ni Cris na halatang hindi makapaniwala na nagawa iyon ni Hani.

“Nung una, bantu­lot ako Kuya pero kailangan kong gawin para matulungan kitang ma­laman ang plano ni Diana at Gretchen. Kung hindi ko gagawin ‘yun, wala akong malalaman at pa­ano ka makapaghahanda sa ga­gawin ni Diana.’’

“Napakabuti mo Hani. Dahil sa akin, napasubo ka sa isang pagsubok na may kahirapang gawin.’’

“Okey lang ‘yun Kuya. Hindi naman ako mabubuntis sa pakikipaghalikan lang.’’

‘‘Pero mahirap ang ginawa mo. Nakipaglaplapan ka sa kapwa babae para makatulong. Talo mo pa ang isang sundalo o pulis na para makapasok sa lungga ng kaaway ay kailangang magpanggap. Hanga ako sa iyo Hani.’’

‘‘Salamat Kuya. Pero isang hindi malilimutang karanasan na rin na maituturing ang nangyari. Natuklasan ko ang pagkatao ni Gretchen at ang masamang balak ni Diana.’’

‘‘Pero alam mo Hani, nun pa ako duda sa pagkatao ni Gretchen. Minsan kasi nahuli ko ang dalawa --- sina Diana at Gretchen sa kuwarto.’’

“Anong nahuli Kuya?’’

‘‘Nasa kama ang da­lawa at may ginagawa si Gretchen kay Diana. Hu­bo’t hubad ang dalawa. Nasa ibabaw ni Diana si Gretchen.’’

“Ah alam mo na pala ang tungkol sa relasyon ng dalawa, Kuya.’’

“Oo. Pero hindi ko alam na mayroon pala silang plano laban sa akin. Wala akong kakutob-kutob.’’

‘‘Kahapon, muntik­ nang makuha ni Gret­chen ang pinakaiingatan kong ‘virginity’ Kuya. Hindi lang natuloy dahil sa isang pangyayari.’’

“Anong pangyayari?’’ hindi kumukurap si Cris sa bahaging iyon ng pagkukuwento ni Hani.

“Inaalis na ni Gret­chen ang shorts ko nang biglang may lumitaw na alupihan sa pa­der. Malaking alupihan, Kuya!’’

Hindi makapagsalita si Cris. (Itutuloy)

HANI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with