^

True Confessions

Alupihan (120)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Suwerte ko talaga. Unang pagkakita ko pa lang sa’yo Hani, alam ko nang birhen ka,’’ sabi ni Gretchen at idinikit ang katawan kay Hani.

Hindi naman tuminag si Hani. Kailangang harapin niya ang mga mangyayari dahil ito ang nakatakda. Kung hindi niya haharapin, hindi niya matutulu­ngan si Kuya Cris.

“Owww talaga nahalata mo na agad na birhen ako, Gretch?

“Oo. Mabilis akong kumilatis kung birhen pa ang babae.’’

“Paano?’’

‘‘Siyempre sa paglala­kad. Kapag masyado nang nakabuka ang mga binti e ‘di sigurado nang hindi birhen.’’

“Ganun ba ‘yun?’’

“Oo.’’

Idinikit pa ni Gretch ang katawan kay Hani.

Nadama ni Hani ang init ng katawan ni Gretchen. Nagbabaga na ito sa pakiramdam niya.

Saka idinikit ni Gretchen ang pisngi sa pisngi naman ni Hani. Mainit din ang pisngi ni Gretch. Parang sasabog na sa init.

Hanggang maramdaman na lamang ni Hani na nakasakmal na ang labi ni Gretch sa labi niya. Nagbabaga rin sa init ang labi ni Gretch.

Mabango ang hininga ni Gretch. Parang hininga ng sanggol.

Idiniin ni Gretchen ang labi at nasakmal lahat ang labi ni Hani. Naglaro ang dila ni Gretch. Nadama ni Hani ang bangis ni Gretchen. Ganun pala ‘yun!

Hanggang lalo pang naging malikot ang dila ni Gretchen. Mapangahas at natangay si Hani.

Lumaban na si Hani.

Nakipag-espadahan na siya.

Naging malikot lalo si Gretchen.

Hanggang sa unti-unting maghiwalay ang pagkakahinang ng kanilang mga labi.

Humihingal sila pareho.

Maya-maya, hinalik-ha­likan siya sa pisngi ni Gret­chen. Inaantig uli siya.

“Ang lambot ng lips mo Hani. Talagang ako ang una riyan.’’

“Sabi ko sa’yo ‘di ba? Ikaw pa lang ang nakauna.’’

“Isa pa uli, Hani?’’

“Bahala ka.’’ 

(Itutuloy)

vuukle comment

RONNIE M. HALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with