^

True Confessions

Alupihan (83)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAISIP ni Cris na huwag nang alamin pa kung ano ang mga ginagawa nina Gretchen at Diana. Hayaan na niya ang mga ito at huwag na siyang makisangkot pa.

Kahiya-hiya siya kung may makakita at maka­alam na naninilip siya sa kuwarto.

Ang tingin pa naman sa kanya ay tahimik at kagalang-galang. Kaya nga lagi siyang paboritong tuk­suhin ng mga pilyang boarders. Ang pagkakilala sa kanya ay mabait at walang gagawing kalo­kohan.

Kung nahuli siya sa akto ni Hani kanina na nakasi­lip sa room ni Diana, tiyak na basambasa ang papel niya.

Hindi na siya pagtitiwalaan.

Sira na ang kanyang pagkatao.

At ang nasirang pagkatao ay hindi na maibabalik.

Hayaan na lang niya kung ano ang mga gina­gawa nina Gretchen at Diana­. Bahala sila sa buhay nila. Basta siya, hindi na magpapadala sa utos ng kanyang utak na panoorin ang ginagawang kahalayan. Tama na ang minsan ay na­saksihan niya.

 

ISANG gabi, mga pasado alas sais, nasa opisina niya si Cris at may ginagawa sa computer nang may ma­rinig siyang mahihinang ka­tok sa pinto.

Tumayo siya at binuksan ang pinto.

Si Hani. May hawak na plastic supot.

“Magandang gabi Kuya. May pasalubong ako sa’yong suman.’’

“Aba sunud-sunod ang pasalubong mo sa akin ah. Hindi pa ako nakakaganti sa una e ito na naman.’’

‘‘Si Kuya naman para kaunting pasalubong lang.’’

‘‘Saan galing ang suman, Hani?’’

“Sa probinsiya Kuya. Pinadala ng nanay ko. Bagong luto ‘yan at napakasarap.’’

“Naku e mahilig ako sa suman. Tamang-tama ito.’’

‘‘Masisiyahan ka diyan Kuya.’’

‘‘Mukha ngang ma­sarap.’’

‘‘Sige Kuya.’’

‘‘Salamat Hani.’’

Paalis na si Hani nang biglang magdaan sina Diana at Gretchen. Nakita ng mga ito na galing si Hani sa opis ni Cris.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with