Alupihan (81)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2020 - 12:00am

Matindi ang hatak kay Cris na alamin kung ano ang ginagawa ni Gretchen sa room ni Diana.

Katulad din ba ng nasaksihan niya noon?

Humakbang siya patungo sa Room No. 3 na kinaroroonan nina Diana at Gretchen.

Alam niyang mali ang kanyang gagawin pero hindi niya matanggihan o matutulan ang sinasabi ng isang bahagi ng kanyang utak.

Itinutulak siya para magtungo at silipin ang nangyayari sa loob. Sunud-sunuran siya sa dikta ng kanyang isip.

Hanggang sa marahan niyang narating ang pinto ng Room No. 3.

Hahawakan na niya ang door knob nang big­lang may tumawag sa kanyang likuran.

“Kuya!’’

Nagulat siya.

Biglang nailayo ang kamay na hahawak sana sa door knob at nilingon ang pinanggalingan ng tawag.

Si Hani ang tumawag!

Nasa may pinto ito ng kuwarto niya. Naka-shorts.

“Saan ka pupunta, Kuya?’’

Bagama’t nagulat, nakapag-isip agad at nakasagot si Cris.

“Papunta sa iyo! Ibibigay ko sa iyong itong damit na naiwan mo sa washing machine.’’

“Dito ang room ko Kuya! Kay Diana yang pupuntahan mong room.’’

Nagtawa kunwari si Cris.

“Malilimutin na ako. Room No. 6 ka nga pala, ha-ha-ha!’’

“Mabuti pala at luma- bas ako, Kuya. Nakakahiya na papasok ka sa kuwarto ng iba.’’

‘‘Oo nga. Mabuti at nakita mo ako. Eto na ang damit mo. Naglaba kasi ako at nakita ito. Alam kong sa iyo ito dahil ikaw lang naman ang naglaba sa washing machine.’’

Lumapit si Cris kay Hani at iniabot ang damit na nasa plastic.

“Salamat Kuya.’’

“Walang anuman. Sala­mat din at nakita mo ako kundi baka dito ako pumasok, ha-ha-ha!’’

Paalis na si Cris nang lumabas sa room ni Dia- na si Gretchen.

Nagkatinginan sila.

Pati si Hani at nakita rin si Gretchen. (Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with