Alupihan (75)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2020 - 12:00am

Parang ipinako si Cris sa kinatatayuan na nakatingin lang kay Diana.

Nakita niya na kumilos ang mga kamay ni Diana para alisin ang pagkaka-ipit ng tuwalya at ilalantad ang kahubaran.

Napalunok si Cris.

Kung kanina na nakita niya ang kahubaran ni Dia­na habang naliligo ay nataranta siya, mas lalo na ngayon na parang entabladong unti-unting inaalis ni Diana ang telon.

Parang sinasabik siya   ni Diana? Tinatakaw.

Nang ibubuka na ang tuwalya, eksakto naman ang pagdating ni Hani. Nagmamadali.

Napalingon sina Cris at Diana kay Hani.

“May nakalimutan ako Kuya!’’ sabi ni Hani at nagmamadali itong nagtungo sa room niya.

Saka lamang naga­wang kumilos sa kinatatayuan ni Cris at lumayo kay Diana. Niligtas siya ni Hani sa mapanuksong si Diana.

‘‘Teka at may gagawin pa pala ako sa opisina ko. Mamaya ko na lang lilinisin ang banyo. Maligo ka na Diana.’’

Nakasimangot si Diana. Tumalikod at biglang isinara ang pinto ng banyo.

Narinig ni Cris ang pagbalabag ng pinto. Bumaba na siya ng hagdan.

Nasa likuran na pala niya si Hani na nagmamadali ring bumaba. May dalang folders.

‘‘Nalimutan ko ang mga papeles Kuya. Mahalaga pa naman ito.’’

‘‘Mabuti at hindi ka pa nakakalayo.’’

“Nakasakay na ako sa dyip, Kuya.’’

‘‘E di late ka na?’’

“Hindi pa naman Kuya. Kinse minutos lang papuntang opis.’’

“Sige ingat ka Hani.’’

“Salamat Kuya.’’

Sinundan niya ng tingin si Hani nang lumabas ng bahay.

Pagkatapos ay nagtungo na siya sa opisina niya. Ikinandado niya ang pinto at baka kulitin siya ni Diana.

Mabuti na lang at duma-ting si Hani.

Iniligtas siya nito sa panunukso ni Diana.

Talagang desidido si Diana na ipaangkin ang katawan sa kanya. Ano kaya ang nasa isip ni Diana at ganun ang balak.

Kanina, nang ibu­bu­yangyang na ni Diana ang sarili, parang nawawala na siya sa wisyo. Parang mina­madyik siya ni Diana.

Napa­hinga nang malalim si Cris. Ano ba itong nang­yayari?

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with