^

True Confessions

Alupihan (71)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Nag-abala ka pa Hani,” sabi ni Cris ma­karaang abutin ang prutas na na nasa plastic. Pumasok na sila sa gate.

“Okey lang Kuya. Para ‘yan lang.’’

“Salamat ha.’’

“Mabuti yan sa health mo, source ng Vitamin C.’’

“Ay oo. Kapag ganitong­ nasa 50 anyos na e kaila­ngang matibay ang immune system.’’

“Singkuwenta ka na Kuya?’’

“Oo.’’

“Hindi halata Kuya.’’

“Salamat uli.’’

Ngumiti lang si Hani.

‘‘Saan ka ba nagtatrabaho Hani?’’

“Sa isang recruitment agency Kuya. Sa HR ako.’’

“Ah.’’

“Sige Kuya, magluluto pa ako ng hapunan ko.’’

“Sige Hani, salamat uli dito sa prutas.’’

Umakyat na si Hani. Sinundan ito ng tingin ni Cris. Sa lahat ng mga babaing nakatira sa bahay niya, si Hani lamang ang kauna-unahang nagpasalu­bong sa kanya. At ilang araw pa lang itong tumitira sa kanya. Mabait talaga si Hani.

Hindi nga ito kagandahan pero napakabuti naman ng ugali. Kaya nga dapat ay pagsabihan niya si Diana at Gretchen na nilalait-lait ang itsura ni Hani. Naka­kahiya kay Hani kapag narinig ang pintas ng dalawa.

Pero hindi lamang pala si Diana at Gretchen ang lihim na may pintas kay Hani. Pati si Girlie at Hanna ay nilalait din si Hani.

Sabi ni Girlie nang madaanan siyang naglilinis sa koridor, “Kuya, bakit naman hinaluan mo nang mapaklang prutas itong bahay mo. Akala ko magaling kang pipili nang titira rito.’’

Alam ni Cris na si Hani ang tinutukoy ni Girlie.

Pinangaralan na niya ito sa malamig na pananalita.

“Huwag namang ganyan, Girlie. Ma­bait naman ‘yung tao. Akala ko ba magkakaibigan kayo?’’

“Joke lang Kuya, he-he-he!’’

Maski si Hannah at Jaymee ay lihim ding pumipintas kay Hani.

“Kuya, maganda ang body nung nasa Room 6 pero huwag mo lang titing­nan ang mukha, ha-ha-ha!’’ Sabi ni Hannah.

Ganundin ang pintas ni Jaymee.

Pinagsabihan niya ang dalawa.

Nagbibiro lang daw sila. (Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with