Alupihan (70)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2020 - 12:00am

Ngayong kum­pleto na sa umuupa ang mga kuwarto, lalong na-inspired si Cris na pagbutihin pa ang mga ginagawang pagsasaayos sa mga pinauupahang kuwarto.

Kailangang walang­ makitang ipis, bubuwit o alupihan kaya ang kanyang mga boar­ders. Kailangang ins­peksiyunin din niya araw-araw ang mga kuwarto, banyo at maski ang laundry at dirty kitchen. Nakakahiya kung may­roong makikitang ka­pintasan ang mga na­ngungupahan.

Kapag natapos na niyang lampasuhin ang koridor, isa-isa niyang bubuksan ang mga kuwarto para walisan at kunin ang mga ba­sura. Iinspeksiyunin niya kung mayroong mga butas sa bintana na ma­aaring daanan ng bubuwit o ipis o alupihan.

Kapag nalinis at na-inspect na niya ang mga kuwarto, ang banyo naman ang kanyang lili­nisin.

Hindi naman marumi ang banyo at comfort room. Ito lang ang kagandahan na ang mga na­ngungupahan ay mga babae – malinis sila sa banyo at CR. Mabango ang banyo at CR.

Kung mga lalaki ang boarders niya, tiyak na malibag at marumi ang banyo. Siguradong nanggigitata ang inidoro at mapanghi sa ihi.

Mabuti na lang at ipinasya niya na pa­­wang babae ang boar­ders. Wala siyang problema sa kalinisan.

Ang isang problema lang niya --- na hindi naman talaga maituturing na prob­lema ay ang pagiging maharot ng limang babae na lantarang nagpapahiwatig nang pagkagusto sa kanya.

At naaasiwa siya sa ganun. Mahiyain kasi siya --- torpe sa babae.

Sabagay hindi niya dapat problemahin ‘yun. Tawanan na lang niya.

Kinahapunan, da­kong 5:30, nasa may gate si Cris nang dumating si Hani. May bitbit.

“Hi Kuya. Eto may pasalubong ako sa’yo.’’

“Ano yan Hani?’’

“Prutas Kuya.’’

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with