Alupihan (67)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2020 - 12:00am

Kinahapunan, nang magdatingan mula sa trabaho at school ang limang boarders ni Cris ay isa-isa niyang kinausap ang mga ito. Ukol sa bagong  occupant na si Hani.

Unang dumating si Gir­lie. Sa may gate pa lang ay kinausap na niya ito.

“Girlie, may nakatira na sa Room No. 6. Gusto kong ipakilala sa inyong lima. Puwede pumunta ka sa opis ko mamayang alas siyete.’’

‘‘Sure Kuya. Mabuti naman at may occupant na.’’

“Oo. Kalilipat lang kanina. Salamat Girlie.’’

Makalipas ang limang minuto, si Hannah naman ang dumating.

“Hi Hannah. Ipakikilala ko sa inyo mamaya ang bagong umuupa sa Room 6. Puwede punta ka sa opis ko mamaya alas siyete.’’

‘‘Wow may umuupa na. Maganda rin siguro katulad ko ano Kuya ?’’

‘‘Oo. Asahan kita ma­maya ha?’’

“Oo Kuya.’’

Sunod na dumating si Gretchen.

Ganundin ang sinabi ni Cris dito.

Napangiti si Gretchen.

‘‘Wow, anim na pala kami, Kuya. Sexy ba siya ?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Makaliskisan nga ma­maya,’’ sabi nito at huma­lakhak.

Makalipas ang limang minuto, si Diana naman ang dumating. Ganundin ang sinabi niya rito.

“Sige Kuya punta ako mamaya para makilala.’’

“Salamat Diana.’’

Sunod na dumating si Jaymee.

“Aba okey yan, Kuya. May kapitbahay na ako,” sabi nito. Si Jaymee ay nasa Room No. 5.

“Oo nga may kapitbahay ka na.’’

“Maganda rin ba siya tulad ko, Kuya?’’

‘‘Mas maganda ka, Jaymee.’’

‘‘Ay salamat Kuya. Mahahalikan kita,”’ sabi at humalakhak si Jaymee sabay pasok sa bahay.

Nasabihan na niya la-hat ang boarders.

Alam na ni Hani na ipakikila siya sa limang boarders. Sinabi na niya kanina.

Eksakto alas siyete at nagpuntahan na sa opis niya ang limang boar-ders. Mas nauna sa kanila si Hani.

Halata sa mukha ng lima ang pagkagulat nang makita si Hani. Hindi nila inaasahan.

Ipinakilala ni Cris si Hani.

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with