Alupihan (63)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2020 - 12:00am

Ininspeksiyon ni Hani ang kuwarto. Lumakad-lakad patungo sa may kama.

Napagmasdan ni Cris ang magandang hubog ng binti at hita ni Hani. Perfect ang hubog. Walang itatapon. Maganda ang ukab sa sa ‘‘bumpers’­’. Pero pagdating sa mukha ay walang masabi si Cris. Hindi talaga ito maganda.

‘‘Ito bang kutson ng kama ay puwede kong ga­mitin Kuya.’’

“Oo. Sa occupant talaga yan.’’

‘‘Mabuti naman Kuya. Hindi na ako bibili ng kutson. Isa pa mahirap ding dalhin paglipat.’’

“Oo nga. Kailangan ma­gaan lang ang dala sa paglipat.’’

‘‘Wala naman akong gamit na ililipat Kuya. Ma­leta lang ng damit at saka isang desk fan.’’

“Mabuti at wala kang gamit.’’

“Hindi ako mahilig bumili ng gamit Kuya. Kasi nga, palipat-lipat ako ng tirahan.’’

“Ganun ba?’’

Tumango si Hani.

Maya-maya, nagpasya na ito.

‘‘Okey na sa akin itong kuwarto Kuya. Wala akong masasabi. Malinis na malinis.’’

‘‘Sige ipakikita ko naman sa’yo ang bathroom at pati ang dirty kitchen.’’

“Sige Kuya.’’

Tinungo nila ang banyo na nasa ground floor. Malapit iyon sa opisina ni Cris.

Binuksan niya ang banyo.

‘‘Ito ang banyo. Share kayong anim dito.’’

“Malakas ang tubig Kuya?’’

“Oo. Kahit oras-oras kang maligo.’’

Napatawa si Hani. Nakita ni Cris ang mapuputing ngipin. Iyon lang ang maganda sa mukha ni Hani.

‘‘Okey na Kuya.’’

‘‘Halika at itong dirty kitchen at laundry ang ipakikita ko.’’

Katabi lang ng banyo ang kitchen at laundry.

“Kapag gusto mong magluto, pu­wede. Dito rin ang labahan.’’

“Okey na Kuya. Babayaran na kita. Gusto ko na rito.’’

(Itutuloy)

ALUPIHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with