Alupihan (50)
Ronnie Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

Habang naglalampaso si Cris ay nagtatanong siya sa sarili kung bakit narito pa si Gretchen gayung dapat ay nasa trabaho na ito. Ang alam niya, bago mag-alas siyete ay umaalis na si Gretchen.

At kung nagtungo si Gretchen sa room ni Diana, ibig sabihin, naroon si Diana.

Hindi rin kaya pumasok si Diana sa klase?

Malamang na nasa room niya si Diana. Ano naman ang gagawin ni Gretchen sa room ni Diana kung walang tao roon ?

At siyempre, sarado dapat ang kuwarto ni Diana kaya imposibleng makapasok si Gretchen.

Kaya sure na nasa room niya si Diana at ma­aring nagkukuwentuhan sila ni Gretchen. Siguro’y mas magka-vibes ang dalawa kaysa sa ibang boarders. Mukhang sila ang magkasundo at magkatulad ng ugali – mga mukhang pilya at “palaban”!

Ipinagpatuloy ni Cris ang paglalampaso. Pinatakan pa niya ng liquid floorwax ang sahig para kumintab at dumulas.

Araw-araw ay nilalampaso niya ang sahig. Kaya malinis na malinis ito at masarap tapakan. Hindi na kailangang magsapin sa paa ang mga tatapak sapagkat sobrang sarap sa paa.

Hindi na siya nagbalak pang kumuha ng tagalinis. Gastos pa ang ibabayad kaya siya na lamang ang gumagawa. Exercise pa.

Nasa tapat na siya ng Room No. 3 na okupado ni Diana. Tahimik na tahimik.

Napansin niya na bahagyang nakaawang ang pinto ng room. Hindi nailapat ni Gretchen.

Hanggang may narinig siyang ungol mula sa loob. Sunud-sunod!

Gusto niyang sumilip pero bantulot siya.

Kakahiya sa dalawa.

(Itutuloy)

GRETCHEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with