Alupihan (11)
“BAKIT po Kuya?’’
Tanong ng bedspacer na si Diana na inookupa ang Room No. 3.
Nagulat si Cris sa itsura ni Diana. Hindi niya inaasahan sapagkat naka-shorts ito at manipis na t-shirt na bakat ang malulusog na “papaya”. Maaaring natutulog na si Diana kaya hindi agad nakapagbukas ng pinto kaninang kumatok siya.
“Ha e kuwan, Diana. Itatanong ko lang kung may problema ka riyan sa room mo.’’
“Wala naman po Kuya.’’
“Ipapaalala ko rin na kung gusto mong magluto e merong kitchen sa ground floor, malapit sa opis ko. Kumpleto ang kitchen.’’
“Salamat po Kuya. Baka sa mga susunod na araw ay magluto ako. Pero ngayon po e sa fastfood muna ako kakain.’’
“Ah okey. Sige, naabala ko yata ang pag-aaral mo.’’
“Natutulog po ako Kuya kaya hindi ko nabuksan ang pinto.’’
“Ganun ba? Sige matulog ka na uli. Pasensiya na.’’
“Sige Kuya.’’
Tinungo naman ni Cris ang Room No. 4 na inookupa ni Gretchen. Marahan siyang kumatok at baka natutulog na ito.
Maya-maya ay bumukas ang pinto.
“Sorry Gretchen aabalahin lang kita sandali.’’
“Ano po yun Kuya?’’ sabing nakangiti ni Gretchen. Para itong tomboy dahil sa maikling buhok. Napansin niyang naka-shorts si Gretchen.
“Itatanong ko lang kung okey ang lagay mo sa kuwarto. Wala bang problema, Gretchen?’’
“Wala naman po, Kuya.’’
“Okey pagmeron kang problema, let me know.’’
“Yes kuya. Gagawin ko.’’
Umalis na si Cris at tinungo ang Room No. 5 na kinaroroonan ni Jaymee.
Mabilis itong lumabas nang kumatok siya.
“Bakit po Kuya?’’ Tanong nito.
“Itatanong ko lang kung okey ba ang lagay mo sa kuwarto.’’
“Okey naman po Kuya.’’
“Sige salamat.’’
Tinungo niya ang Room No. 6 na wala pang occupant. Sino kaya ang uupa sa kuwartong ito? (Itutuloy)
- Latest