Ahas sa garden (335)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

NAGPIPIGLAS si Brenda sa pag­­kakahawak ng dalawang lalaki na nagpakilalang PDEA agents.

Sa lakas nang pag­kakapiglas, nakawala siya sa pagkakahawak ng dalawang agents.

Mabilis siyang tumakbo.

Walang puknat    na pagtakbo. Hindi siya lumilingon.

“Tigilll! Tigillll!” sigaw ng agents.

Pero hindi tumigil si Brenda. Lalo lamang niyang binilisan ang pagtakbo.

Hindi siya magpapahuli nang buhay!

Habang tumatak­bo, binubuksan niya ang kanyang bag. May dala siyang baril! Lalaban siya kapag patuloy siyang hinabol.

Patay kung patay na sa pagkakataong ito!

Bigla siyang kuma­liwa sa isang makitid na eskinita. Matulin pa rin ang pagtakbo niya.

Sa dulo ng eskini­ta, isang abandonadong gusali ang nakita niya. Mabilis siyang pumasok. Madilim sa loob. Bahala na. Kung susundan siya ng PDEA agents dito, lalaban siya.

Nagkubli siya sa haligi. Mula sa kina-roroonan niya, tanaw niya kung mayroong papasok.

Kapag may naki­ta siyang pumasok, babarilin niya.

Wala na siyang kinatatakutan pa.

Patapon na ang buhay niya!

Hanggang may marinig siyang mga yabag!

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with