^

True Confessions

Ahas sa garden (293)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAKALIPAS ang 2 linggo, magaling na ang mga pasa at bugbog ni Brenda. Malakas na siya. Handa na siyang hanapin si Jambo para gumanti. Tiyak na nasa casino ang walanghiya. Sa casino na siya kukuha ng ipangsa­saksak sa walanghiya – kahit tinidor. Hindi siya makapagpapasok ng patalim dahil may nag-iinspeksiyon.

Maaga siyang nagtungo roon para mahaba ang oras ng kanyang paghahanap sa taong nagnakaw at gumulpi sa kanya. Sisiguruhin niyang mapapatay si Jambo. Kung mahuli siya makaraang sak­sakin si Jambo, okey lang. Amanos na sila. Pero pipi­litin niyang makatakas. Ga­gawin niya ang lahat para makaiwas sa mga pulis.

Hindi siya magsusugal dahil wala na siyang pera. Tanging ang pakay niya sa casino ay si Jambo. Mas mahalaga si Jambo dahil sa mga ginawa nito sa kanya.

Pero ilang oras na siyang naghahanap kay Jambo ay hindi niya ito makita. Nagtiyaga pa siya ng ilang oras pero ni anino ng hayop ay hindi niya nakita. Natakot kaya o nagpakalayu-layo na dahil maraming pera. Puwede na nitong inegosyo ang perang nadekwat sa kanya. Puwede nang mabuhay ang hayop. O baka naman nangibang bansa na?

Nagtiyaga pa siya sa pag­hihintay. Baka sakaling dumating.

Pero inabot siya ng madaling araw sa paghihintay ay hindi niya nakita ang hayop na si Jambo.

Ipinasya na niyang umuwi.

Bukas na uli niya ipagpapatuloy ang paghahanap kay Jambo.

Maaaring nasa ibang casino ito naglalagi. Iyon ang pupuntahan niya bukas. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakakaganti sa hayop.

Maaaring nasa casino ito sa Sta. Cruz. Ang alam niya, marami itong custo­mer doon base sa mga na­iku­wento sa kanya. Doon niya ito hahantingin bukas.

Magdasal ka na Jambo dahil hindi kita lulubayan! Kahit hindi ko mabawi ang pera basta mapatay lang kita masaya na ako! (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with