Ahas sa garden (280)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2019 - 12:00am

“SIMULA pa lang ‘yan, Brenda baby,” sabi ni Jambo at pasimpleng hi­ni­mas ang hita ni Brenda. “Maglaro tayo mamaya, Baby.’’

“Oo. Ikaw pa. Basta yung sabi mo, darami pa ang pera ko.’’

“Magtiwala ka sa akin, Baby. Basta kumabit sa akin, hindi magsisisi, he-he-he!’’

“’Yabang nito!’’

Pinasibad ni Jambo ang Audi.

Nalulunod naman si Brenda sa perang nasa kandungan. Ibang klase talaga si Jambo. Mahusay magpaikot ng pera. Ang P1-M niya ay naging P1.5-M. Kapag ganito nang ganito, darami pa nang todo ang pera niya, ha-ha-ha!

Tama lang talaga ang desisyon niyang layasan na ang gurang na si Nath. Bukod sa hindi na siya na­papaligaya ay ubos na ang pera ng gurang. Ano na ka­yang nangyari sa gurang­? Siguro, takang-taka nang hindi na siya bumalik sa condo. Labis siguro ang pag-iisip ng gurang dahil nandoon naman lahat ang damit at mga gamit niya. Hindi maghihinalang iniwan­ niya, ha-ha-ha!

Saka biglang naalala ni Brenda na pag-aari nga pala niya ang katabing condo unit na inookupa ni Nath. Paano niya mababalikan iyon? Tiyak na magkikita sila. Nag-isip siya ng paraan. Puwede naman niyang ibenta iyon. Kumpleto ang papeles ng condo unit at bayad na iyon. Iyon ang hiniling niya kay Nath na bigyan siya ng sariling unit.

Puwede rin naman na puntahan niya ang unit. O kaya ay hayaan na lang niya iyon dahil marami naman siyang pera. At da­rami pa dahil sa abilidad ni Jambo. Hayaan na lang niya ang condo at baka maging mitsa pa nang pag­kikita nila ni Nath. Tiyak na galit na galit siguro sa kanya ang gurang.

Naisip din niya si Alexis. Wala naman siyang mapapala kay Alexis. Tiyak na mahirap pa sa daga ang gunggong na iyon. Guwapo nga ngunit kukulu-kulo ang tiyan.

Dito na lang siya kay Jambo na okey na sa kama e mahusay pa sa negosyo. Mabilis kumita ng pera.

Pagdating nila sa condo, parang gutom na aso si Jambo na sinila siya. Ito ang gusto niya kay Jambo, mahusay magpaligaya.

Kinabukasan, binig­yan­ niya nang malaking halaga si Jambo para pam-finance sa mga na­nga­ngailangan sa casino. Dalawang milyon ang bi­nigay niya.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with