^

True Confessions

Ahas sa garden (257)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAG-RING ang num­ber ni Cindy. Hindi naman humihinga ang del­ivery boy na si Simon sa pagkakataong iyon. Sinagot agad ito ni Cindy.

“Hello?’’ sabi ni Cindy.

‘‘Hello ? Ito po ba si Mam Cindy?’’

‘‘Yes, ako nga.’’

‘‘Magandang tanghali po Mam Cindy. Ako po si Simon at gusto ko pong ibalita na nakita ko ang iyong father na pinananawagan mo.’’

Hindi nagsalita si Cindy. Noon pa, si­na­bihan na siya ni Manang at Ester na may mga nanloloko na tatawagan ang may-ari ng phone at sasabihing nakita na ang nawawala pero manghihingi muna ng load. Kapag nabigyan ng load, tapos na ang kuwento.

Nahalata naman ni Simon na tila atubili si Cindy kaya nagsalita na siya para mawala ang pagdududa nito.

‘‘Hindi po ako nanloloko Mam Cindy. Nasa isang condo po ang iyong father at may sakit. Puwede ko po ikaw samahan doon. Kailangang-kailangan po ng tulong ni Sir Nath at dapat puntahan agad.”

Saka lamang naniwala si Cindy.

‘‘Saan ko makikita si Daddy, Simon? Please, Simon.’’

“Magkita po tayo sa food court ng Trinoma. Ngayon na po.’’

“Sige Simon, salamat nang marami,’’ sabi ni Cindy na tila maiiyak sa sobrang katuwaan dahil makikita na rin ang kanyang daddy.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with